-
“Mga Bunga ng Espiritu”—Lumuluwalhati sa DiyosAng Bantayan—2011 | Abril 15
-
-
3. (a) Paano naluluwalhati ang Diyos kapag nililinang natin ang “mga bunga ng espiritu”? (b) Anong mga tanong ang isasaalang-alang natin?
3 Ang mga katangiang bunga ng banal na espiritu ay repleksiyon ng mismong personalidad ng Pinagmulan ng espiritung iyon, ang Diyos na Jehova. (Col. 3:9, 10) Tinukoy ni Jesus ang pangunahing dahilan kung bakit dapat tularan ng mga Kristiyano ang Diyos nang sabihin niya sa mga apostol: “Ang aking Ama ay naluluwalhati rito, na patuloy kayong namumunga ng marami.”a (Juan 15:8) Habang nililinang natin ang “mga bunga ng espiritu,” ang resulta ay malinaw na makikita sa ating pagsasalita at paggawi; ito naman ang magdudulot ng kapurihan sa ating Diyos. (Mat. 5:16) Anu-ano ang kaibahan ng mga bunga ng espiritu at ng mga ugali ng mga tao sa sanlibutan ni Satanas? Paano natin malilinang ang mga bunga ng espiritu? Bakit mahirap itong gawin kung minsan? Isasaalang-alang ang mga tanong na iyan habang tinatalakay natin ang unang tatlong aspekto ng mga bunga ng espiritu—pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan.
-
-
“Mga Bunga ng Espiritu”—Lumuluwalhati sa DiyosAng Bantayan—2011 | Abril 15
-
-
a Kasama sa bungang binanggit ni Jesus ang “mga bunga ng espiritu” at ang “bunga ng mga labi” na inihahandog ng mga Kristiyano sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral tungkol sa Kaharian.—Heb. 13:15.
-