Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan
    Ang Bantayan—2008 | Abril 15
    • 14:16, 17; 16:7, 8, 13, 14—Kapag tinutukoy ang katulong, o ang espiritu ng katotohanan, bakit ang panghalip na “iyon” ang ginamit sa Juan 14:16, 17, samantalang “siya” at “niya” naman ang ginamit sa Juan 16:7, 8, 13, 14? Ito ay dahil sa tuntunin sa balarila. Sa wikang Griego, na ginamit sa pagsulat ng Ebanghelyo ni Juan, ang salita para sa “katulong” ay nasa kasariang panlalaki, pero ang salita para sa “espiritu” ay walang kasarian. Kaya nang itala ni Juan ang mga pananalita ni Jesus, gumamit siya ng mga panghalip, gaya ng “siya” o “niya” kapag tinutukoy ang gagawin ng katulong. Ginamit naman ang panghalip na “iyon” kapag tinutukoy ang isasakatuparan ng espiritu ng katotohanan.

  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Juan
    Ang Bantayan—2008 | Abril 15
    • 14:26; 16:13. Ang banal na espiritu ni Jehova ay nagsisilbing guro at tagapagpaalaala. Kumikilos din ito upang isiwalat ang katotohanan. Kaya matutulungan tayo nito na sumulong sa kaalaman, karunungan, kaunawaan, pagpapasiya, at kakayahang mag-isip. Kaya dapat tayong magmatiyaga sa pananalangin, na hinihiling partikular na ang espiritung iyon.​—Luc. 11:5-13.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share