Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Kaalaman Ba sa Diyos ay Para Lamang sa Ilang Piling Tao?
    Gumising!—1988 | Nobyembre 8
    • Noong tatlo-at-kalahating-taon ng kaniyang ministeryo, sinaklaw ni Jesus ang isang malaking bahagi ng teritoryo ng Israel. Ginawa ba niya ito nang lihim o dinalaw ba lamang niya ang isang maliit na grupo ng mga tinanggap na baguhan? Hindi. Ipinangaral niya ang kaniyang mensahe nang hayagan, kadalasan ay sa harap ng malaking pulutong ng mga tao. Sandaling panahon bago ang kaniyang kamatayan, nang tinatanong ng Judiong mga awtoridad sa relihiyon tungkol sa kaniyang paraan ng pagtuturo, sabi niya: “Ako’y hayag na nagsalita sa sanlibutan. Ako’y laging nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim.”​—Juan 18:20.

      Napansin mo ba na ang mensahe ni Jesus ay patungkol sa lubhang malaking tagapakinig kaysa Palestina lamang? Ito’y patungkol sa buong sanlibutan! Hindi sinabi ni Jesus: ‘Ako’y nagsalita sa lahat ng tao,’ yaon ay, sa lahat ng mga Judio. Sa halip, sapagkat ito’y makahula, pinili niya ang espisipikong salita para sa “sanlibutan.”a Sa gayon, si Jesus ay hindi nangaral ng esoterikong doktrina; ito ay para sa lahat, sa lahat ng dako.

  • Ang Kaalaman Ba sa Diyos ay Para Lamang sa Ilang Piling Tao?
    Gumising!—1988 | Nobyembre 8
    • a Hindi ginamit ni Jesus ang pariralang (pant·iʹ toi la·oiʹ) “sa lahat ng tao,” alalaong baga, sa lahat ng nagkakatipon o sa lahat ng kabilang sa isang lahi; kundi (toi koʹsmoi) “sa sanlibutan,” alalaong baga ang lahi ng tao, ang sangkatauhan. Kawili-wili, ganito ang sabi ng A Critical and Exegetical Commentary on the Gospel According to St. John tungkol sa Juan 18:20: “Kapuna-puna na ang pinakamatibay na pagtanggi ng mga Ebanghelyo tungkol sa lihim o esoterikong turo sa mga salita ni Jesus ay masusumpungan sa Jn [Juan].”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share