Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w08 6/1 p. 27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Hula Laban sa Tiro na Nagpapatibay ng Pagtitiwala sa Salita ni Jehova
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Ang Tiro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tiro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
w08 6/1 p. 27

Alam Mo Ba?

Bakit natakot si Poncio Pilato nang marinig niya ang paratang kay Jesus na “ginawa [ni Jesus na] anak ng Diyos ang kaniyang sarili”?—Juan 19:7.

Pagkamatay ni Julio Cesar, idineklara siya ng Senado ng Roma bilang diyos. Pagkaraan nito, ang kaniyang ampon at tagapagmana sa trono na si Octavian ay binigyan ng titulong divi filius, na nangangahulugang “Anak ng Isa na Banal,” o “Anak ng Diyos.” Ang katawagang ito sa wikang Latin ay naging maringal na titulo ng mga emperador. Pinatotohanan ito ng mga inskripsiyon sa mga altar, templo, estatuwa, at barya sa Roma. Nang paratangan ng mga Judio si Jesus na ginawa niyang “anak ng Diyos” ang kaniyang sarili, sa diwa, inakusahan nila siya na inangkin niya ang isang opisyal na titulo, na katumbas ng pagtataksil sa emperador ng Roma.

Noong panahon na nililitis si Jesus, minana na ni Tiberio ang titulong divi filius. Kilala ang emperador na ito na pumapatay ng sinumang itinuturing niyang kaaway. Kaya nang ipahiwatig ng mga Judio na si Pilato ay magtataksil kay Cesar kung hindi niya hahatulan si Jesus, “lalong natakot” ang Romanong gobernador. Nang bandang huli, nagpadala siya sa panggigipit ng mga Judio at iniutos ang pagpatay kay Jesus.​—Juan 19:8, 12-16.

Bakit inihula ni Zacarias ang pagkawasak ng Tiro gayong matagal na itong winasak ng mga Babilonyo?

Ang sinaunang Tiro, na matatagpuan sa Baybayin ng Mediteraneo, ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang isa ay nasa mismong kontinente, at ang isa naman ay nasa isang isla.

Noong una, may magandang ugnayan ang mga Israelita at ang mga naninirahan sa Tiro. Pero nang maglaon, naging maunlad ang Tiro at nagsimulang sumalansang sa Diyos na Jehova, hanggang sa punto na ninakaw nila ang ginto at pilak ng bayan ni Jehova at ipinagbili sila bilang mga alipin. (Joel 3:4-6) Dahil dito, hinatulan sila ni Jehova. Sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta, inihula ni Jehova ang pagbagsak ng Tiro sa kamay ng hari ng Babilonya na si Nabucodonosor. Natupad ito nang lusubin ng kaniyang hukbo ang Tiro pagkatapos wasakin ang Jerusalem noong 607 B.C.E.​—Isaias 23:13, 14; Jeremias 27:2-7; Ezekiel 28:1-19.

Nang malapit na silang malupig, tumakas ang mga mamamayan ng Tiro dala ang kanilang mga ari-arian papunta sa islang lunsod. Lubusang winasak ng mga Babilonyo ang lunsod na nasa mismong kontinente. Makaraan ang halos 100 taon, ginamit ni Jehova ang kaniyang propeta na si Zacarias upang ihayag ang Kaniyang paghatol laban sa Tiro: “Narito! Si Jehova ang magtataboy sa kaniya, at pababagsakin niya sa dagat ang kaniyang hukbong militar; at lalamunin siya ng apoy.”​—Zacarias 9:3, 4.

Noong 332 B.C.E., dumanas ng pagkawasak ang islang lunsod sa kamay ni Alejandrong Dakila bilang katuparan ng hula ni Zacarias. Upang makubkob ang islang lunsod, gumawa si Alejandro ng 800-metrong daanan mula sa mismong kontinente patungo sa isla, gamit ang mga kahoy at bato mula sa kaguhuan ng matandang lunsod ng Tiro. Inihula rin ito ni Ezekiel.​—Ezekiel 26:4, 12.

[Larawan sa pahina 27]

“Ang pagkubkob sa Tiro”

[Credit Line]

Drowing ni Andre Castaigne (1898-1899)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share