Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Latag ng Bato”
  • Latag ng Bato

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Latag ng Bato
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Gabata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Antonia, Tore ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Palasyo ng Gobernador
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Latag ng Bato”

LATAG NG BATO

Isang dako sa Jerusalem, na may latag ng bato, kung saan umupo sa luklukan ng paghatol ang Romanong si Gobernador Poncio Pilato nang humarap sa kaniya si Jesu-Kristo upang litisin. (Ju 19:13) Sa Hebreo, ang lugar na ito ay tinawag na “Gabata,” isang salita na di-matiyak ang pinagkunan at posibleng nangangahulugang “burol,” “mataas na dako,” o “hantad na lugar.” Ang pangalang Griego nito, na Li·thoʹstro·ton (Latag ng Bato), ay maaaring tumutukoy sa isang pari-parisukat na sahig, na may disenyong moseyk.

Sa paanuman, ang “Latag ng Bato” kung saan humarap si Jesus kay Pilato ay nauugnay sa “palasyo ng gobernador.” (Ju 19:1-13) Maaaring ito ay isang hantad na dako sa harapan ng palasyo ni Herodes na Dakila; ipinapalagay naman ng ilang iskolar na ito’y isang lugar na malapit sa Tore ng Antonia o isang gitnang looban sa loob mismo ng Toreng iyon, sa HK ng bakuran ng templo. Gayunman, hindi pa rin alam ang eksaktong lokasyon ng Latag ng Bato.​—Tingnan ang ANTONIA, TORE NG; PALASYO NG GOBERNADOR.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share