Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Patuloy Niya Silang Inibig Hanggang sa Wakas”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • 9 Noon mismong araw na mamatay si Jesus, ipinakita niya na talagang iniisip niya ang espirituwalidad ng mga mahal niya sa buhay. Nakapako si Jesus sa tulos, at dumaranas ng napakatinding kirot. Para makahinga, malamang na kailangan niyang iangat ang katawan niya. Siguradong napakasakit nito, kasi nakapako ang mga paa niya at gumagasgas sa tulos ang sugatán niyang likod. Dahil hirap siyang huminga, siguradong hirap din siyang magsalita. Pero bago mamatay si Jesus, may sinabi siya na nagpapakitang mahal na mahal niya ang nanay niyang si Maria. Nakatayo sa malapit ang nanay niya at si apostol Juan. Tumingin si Jesus sa kanila at sinabi niya nang malakas kay Maria: “Tingnan mo! Ang iyong anak!” Pagkatapos, sinabi niya kay Juan: “Tingnan mo! Ang iyong ina!” (Juan 19:26, 27) Alam ni Jesus na parehong ilalaan ng tapat niyang apostol ang pisikal at espirituwal na pangangailangan ni Maria.b

  • “Patuloy Niya Silang Inibig Hanggang sa Wakas”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • b Lumilitaw na biyuda na noon si Maria at hindi pa mga alagad ni Jesus ang iba niyang mga anak.—Juan 7:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share