-
MariaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Iginalang at Minahal ni Jesus. Pagkaraan ng kaniyang bautismo, hindi nagpakita si Jesus ng pantanging paboritismo kay Maria; tinukoy niya ito, hindi bilang “ina,” kundi bilang “babae” lamang. (Ju 2:4; 19:26) Sa paanuman, hindi ito kapahayagan ng kawalang-galang, gaya ng maaaring maging unawa rito ayon sa makabagong-panahong paggamit sa Tagalog. Sa Aleman, halimbawa, ang salitang ginamit sa ganitong paraan ay nangangahulugang ginang. Si Maria ay ina ni Jesus ayon sa laman; ngunit mula nang ipanganak si Jesus sa pamamagitan ng banal na espiritu noong panahon ng kaniyang bautismo, siya ay pangunahin nang Anak ng Diyos, anupat ang kaniyang “ina” ay “ang Jerusalem sa itaas.” (Gal 4:26) Idiniin ni Jesus ang katotohanang ito noong isang pagkakataon nang magambala ni Maria at ng iba pang mga anak nito si Jesus sa panahon ng isang sesyon ng pagtuturo sa pamamagitan ng paghiling kay Jesus na pumaroon sa labas sa kinaroroonan nila. Ipinabatid ni Jesus na sa katunayan ang kaniyang ina at malalapit na kamag-anak ay yaong mga nasa kaniyang espirituwal na pamilya, anupat ang espirituwal na mga bagay ay nauuna kaysa sa mga kapakanang ukol sa laman.—Mat 12:46-50; Mar 3:31-35; Luc 8:19-21.
-
-
MariaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nakatayo si Maria sa tabi ng pahirapang tulos nang ibayubay si Jesus. Para sa kaniya, si Jesus ay higit pa kaysa sa isang minamahal na anak, si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang Panginoon at Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos. Lumilitaw na si Maria ay isa nang balo noon. Dahil dito, bilang panganay sa sambahayan ni Jose, ginampanan ni Jesus ang kaniyang pananagutan nang hilingin niya sa apostol na si Juan, malamang na pinsan niya, na iuwi si Maria sa tahanan ng apostol at alagaan ito na parang sarili nitong ina. (Ju 19:26, 27) Bakit hindi ipinagkatiwala ni Jesus si Maria sa isa sa kaniyang sariling mga kapatid sa ina? Walang binabanggit na naroroon ang sinuman sa kanila. Isa pa, hindi pa sila mga mananampalataya, at itinuring ni Jesus na higit na mahalaga ang espirituwal na kaugnayan kaysa sa kaugnayan sa laman.—Ju 7:5; Mat 12:46-50.
-