Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 11/15 p. 4-6
  • Kung Bakit ang Ilan ay Ipinanganganak na Muli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit ang Ilan ay Ipinanganganak na Muli
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Layunin ng Diyos Para sa Sangkatauhan
  • Ano ang Nangyayari sa Kaluluwa sa Kamatayan?
  • Ipinanganganak na Muli Upang Maghari
  • Kumusta Naman Dito sa Lupa?
  • Sino ang Makikinabang?
  • Mapaniniwalaan Mo ang Isang Paraisong Lupa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Naitanong Mo Na Ba?
    Gumising!—1994
  • Sino ang “Ipinanganak-muli”?
    Gumising!—1988
  • Buhay Pagkatapos ng Kamatayan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 11/15 p. 4-6

Kung Bakit ang Ilan ay Ipinanganganak na Muli

“MALIBAN sa ang sinuman ay ipanganak na muli, hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.” (Juan 3:3) Ang mga salitang iyan ay kapuwa nakapanginginig at nagiging palaisipan sa maraming tao sapol nang salitain ni Jesu-Kristo mahigit na 1,900 taon na ngayon.

Para sa wastong pagkaunawa sa mga pangungusap ni Jesus tungkol sa panganganak na muli sa isa, kailangan muna nating sagutin ang mga tanong na ito: Ano ba ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan? Ano ang nangyayari sa kaluluwa sa kamatayan? Ano ba ang nilayon na gawin ng Kaharian ng Diyos?

Ang Layunin ng Diyos Para sa Sangkatauhan

Ang unang tao, si Adan, ay nilalang na isang sakdal na tao na Anak ng Diyos. (Lucas 3:38) Hindi kailanman nilayon ng Diyos na Jehova na si Adan ay mamatay. Si Adan at ang kaniyang asawa, si Eva ay may pag-asang magkaroon ng isang pamilya ng mga taong walang kasalanan na mabubuhay magpakailanman at pupunuin nila ang isang lupang paraiso. (Genesis 1:28) Ang kamatayan ay hindi bahagi ng orihinal na layunin ng Diyos para sa lalaki at sa babae. Ito’y pumasok lamang sa sangkatauhan bunga ng paghihimagsik laban sa batas ng Diyos.​—Genesis 2:15-17; 3:17-19.

Ang paghihimagsik na ito ay nagbangon ng malalaking isyu sa moral, tulad ng pagiging karapat-dapat ng soberanya ng Diyos at ang kakayahan ng mga tao na manatiling tapat sa kaniyang mga batas. Mangangailangan ng panahon upang malutas ang mga isyung ito. Subalit ang layunin ng Diyos na Jehova para sa sangkatauhan ay hindi nagbago, at siya’y hindi maaaring mabigo sa kaniyang ipinanukalang gawin. Ang lubusang nilalayon niya ay punuin ang lupa ng isang sakdal na pamilya ng mga tao na magtatamasa ng buhay na walang-hanggan sa Paraiso. (Awit 37:29; 104:5; Isaias 45:18; Lucas 23:43) Dapat na lagi nating isaisip ang mahalagang katotohanang ito pagka ating isinasaalang-alang ang mga salita ni Jesus tungkol sa pagkapanganak na muli.

Ano ang Nangyayari sa Kaluluwa sa Kamatayan?

Palibhasa’y walang malay sa isiniwalat ng banal na espiritu ng Diyos sa mga manunulat ng Bibliya, ang mga pilosopong Griego ay nagpunyagi na masumpungan ang kahulugan ng buhay. Hindi sila makapaniwala na ang tao ay nilayon na mabuhay nang mga ilang taon lamang, kadalasa’y sa miserableng mga kalagayan, at pagkatapos ay pumapanaw na. Tama sila rito. Subalit sa kanilang mga panghihinuha tungkol sa maaaring danasin ng tao pagkamatay, sila’y nagkamali. Sila’y nanghinuha na ang tao ay patuloy na nabubuhay sa ibang mga anyo pagkatapos ng kamatayan, na sa loob ng bawat isa ay may isang kaluluwang di-namamatay.

Ang mga Judio at ang nag-aangking mga Kristiyano ay naimpluwensiyahan ng ganiyang mga paniniwala. Sabi ng aklat na Heaven​—A History: “Saanman makatagpo ang mga pantas na Griego ng nagsipangalat na mga Judio, ang idea ng isang walang-kamatayang kaluluwa ay nangingibabaw.” Isinusog ng aklat: “Ang mga doktrinang Griego tungkol sa kaluluwa ay lumikha ng namamalaging impresyon sa Judio at sa wakas sa Kristiyanong mga paniniwala. . . . Sa pamamagitan ng paglikha ng isang pambihirang kombinasyon ng Platonikong pilosopya at biblikong tradisyon, si Philo [isang pilosopong Judio ng Alexandria noong unang siglo] ay naghanda ng daan para sa intelektuwal na mga Kristiyano noong bandang huli.”

Ano ba ang paniniwala ni Philo? Ang aklat ding iyon ay nagpapatuloy: “Para sa kaniya, sa kamatayan ang kaluluwa ay napapasauli sa kaniyang orihinal na kalagayan, bago ipanganak. Yamang ang kaluluwa ay nauukol sa espirituwal na daigdig, ang buhay sa katawan ay wala kundi isang maikli, kadalasa’y kapuspalad, na episodo.” Gayunman, ang “kalagayan [ni Adan] bago ipanganak” ay ang hindi pag-iral. Sang-ayon sa ulat ng Bibliya, hindi nilayon ng Diyos ang isang automatikong paglipat sa ibang dako pagkamatay ng isa, na para bang ang lupa ay isa lamang pansamantalang dako para sa isang nakatataas o isang nakabababang pag-iral.

Ang paniwala na walang kamatayan ang kaluluwa ng tao ay hindi itinuturo sa kinasihan-ng-espiritung Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kahit minsan ay hindi nito ginamit ang terminong “walang-kamatayang kaluluwa.” Sinasabi nito na si Adan ay nilalang bilang isang kaluluwa, hindi may kaluluwa. Ang Genesis 2:7 ay nagsasabi: “Nagpatuloy ang Diyos na Jehova na anyuan ang tao mula sa alabok ng lupa at hingahan ang mga butas ng kaniyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.” Sa tao ay hindi kailanman iniharap ang pagtatamo ng buhay na walang-hanggan sa langit o walang-hanggang parusa sa apoy ng impiyerno. Ipinakikita ng Bibliya na ang kaluluwa, o tao, na namamatay ay hindi na nakararamdam ng anuman. (Awit 146:3, 4; Eclesiastes 9:5, 10; Ezekiel 18:4) Kaya naman, ang mga pilosopo ay nagkaroon ng di-makakasulatang pananaw tungkol sa kaluluwa. Tayo’y kailangang mag-ingat laban sa mga ideang nakapagliligaw na magpapalabo sa ating unawa sa mga salita ni Jesus tungkol sa muling pagkapanganak sa isa.

Ipinanganganak na Muli Upang Maghari

Sinabi ni Jesus kay Nicodemo na yaong mga “ipinanganganak na muli . . . ay pumapasok sa Kaharian ng Diyos.” (Juan 3:3-5) Ano ba ang Kahariang iyon? Sa pananalitang simboliko, maaga sa kasaysayan ng tao, ang Diyos na Jehova ay nagpabatid na ng kaniyang layuning gamitin ang isang natatanging “binhi”​—isang darating na hari​—​na dudurog sa ulo ng orihinal na Ahas, si Satanas na Diyablo. (Genesis 3:15; Apocalipsis 12:9) Gaya ng pasulong na pagkasiwalat sa Kasulatan, ang “binhi” na ito ay nakilala na si Jesu-Kristo, na maghaharing kasama ng iba pa sa isang natatanging kapahayagan ng soberanya ng Diyos, ang Mesiyanikong Kaharian. (Awit 2:8, 9; Isaias 9:6, 7; Daniel 2:44; 7:13, 14) Ito ang Kaharian ng langit, isang pamahalaan sa langit na magbabangong-puri sa soberanya ni Jehova at magliligtas sa tao buhat sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.​—Mateo 6:9, 10.

Kasama ni Jesus bilang kasamang mga tagapamahala ang 144,000 na binili sa sangkatauhan. (Apocalipsis 5:9, 10; 14:1-4) Pinili ng Diyos ang ilan buhat sa di-sakdal na mga taong bumubuo ng pamilya ni Adan upang maging “mga banal ng Kataas-taasan,” na naghaharing kasama ni Kristo sa Mesiyanikong Kaharian. (Daniel 7:27; 1 Corinto 6:2; Apocalipsis 3:21; 20:6) Ang mga lalaki at mga babaing ito ay naglalagak ng pananampalataya kay Jesu-Kristo, na nagsabing sila ay “ipanganganak na muli.” (Juan 3:5-7) Papaano at bakit nangyayari ang pagkapanganak na ito?

Ang mga indibiduwal na ito ay nabautismuhan sa tubig bilang mga tagasunod ni Kristo. Ang kanilang mga kasalanan ay pinatawad ng Diyos salig sa haing pantubos ni Jesus, sila’y inaring matuwid, at inampon sila bilang espirituwal na mga anak. (Roma 3:23-26; 5:12-21; Colosas 1:13, 14) Sa kanila ay sinasabi ni apostol Pablo: “Tumanggap kayo ng espiritu ng pag-aampon bilang mga anak, na sa espiritung ito sumisigaw tayo: ‘Abba, Ama!’ Ang espiritu na rin ang nagpapatotoong kasama ng ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos. At kung tayo’y mga anak, samakatuwid, mga tagapagmana rin tayo: mga tagapagmana nga ng Diyos, ngunit mga kasamang tagapagmana ni Kristo, kung magtitiis tayo nang sama-sama upang luwalhatiin din tayo nang sama-sama.”​—Roma 8:15-17.

Bilang mga tagasunod ni Kristo, ang mga ito ay muling ipinanganganak, o nagkakaroon ng bagong pasimula, sa buhay. Ang resulta nito ay ang matatag na pananalig na sila’y makikibahaging kasama ni Jesus sa makalangit na mana. (Lucas 12:32; 22:28-30; 1 Pedro 1:23) Inilarawan ni apostol Pedro ang muling pagkapanganak nang ganito: “Ayon sa malaking awa [ng Diyos] ay muling inianak tayo sa isang buháy na pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo sa mga patay, sa isang manang di-nasisira at walang dungis at walang kupas. Iyon ay nakalaan sa langit para sa inyo.” (1 Pedro 1:3, 4) Ang panibagong buhay na ito sa langit ay nangyayari para sa gayong mga indibiduwal sapagkat sila’y muling binubuhay ng Diyos gaya ng kaniyang ginawang pagbuhay na muli kay Jesus.​—1 Corinto 15:42-49.

Kumusta Naman Dito sa Lupa?

Hindi ibig sabihin nito na lahat ng masunuring tao ay sa wakas ipanganganak na muli upang umakyat sa langit buhat dito sa lupa. Ang ganiyang maling idea ay nahahawig sa taglay ng mga pilosopong katulad ni Philo, na may palagay na ang “buhay na nasa katawan [ay] wala kundi isang maikli, kadalasa’y kapuspalad na episodo.” Subalit wala namang mali sa orihinal na makalupang paglalang ng Diyos na Jehova.​—Genesis 1:31; Deuteronomio 32:4.

Ang buhay ng tao ay hindi kailanman nilayon na maging maikli at masaklap. Si Jesu-Kristo at yaong mga ipinanganganak na muli upang maglingkod bilang mga hari at saserdoteng kasama niya sa langit ang aalis ng lahat ng nakapipinsalang mga ibinunga ng paghihimagsik ni Satanas. (Efeso 1:8-10) Sa pamamagitan nila bilang ang ipinangakong ‘binhi ni Abraham,’ “lahat ng bansa sa lupa ay tunay na magpapala sa kanilang sarili.” (Galacia 3:29; Genesis 22:18) Para sa masunuring mga tao ito ay mangangahulugan ng buhay sa isang lupang paraiso, lubhang naiiba sa maikli, lipos ng paghihirap na buhay sa ngayon.​—Awit 37:11, 29; Apocalipsis 21:1-4.

Sino ang Makikinabang?

Kabilang sa mga makikinabang sa paglalaan ng Diyos para sa pagpapala ng sangkatauhan ay ang mga bubuhaying-muli na may pananampalataya sa haing pantubos na inihandog ni Jesus. (Juan 5:28, 29; Gawa 24:15) Karamihan sa kanila ay hindi kailanman natuto ng tungkol sa Diyos at kay Kristo at samakatuwid hindi makapagpapakita ng pananampalataya kay Jesus. Sa mga bubuhaying-muli ay kasali ang tapat na mga taong katulad ni Juan Bautista, na namatay bago binuksan ng kamatayan ni Jesus ang daan tungo sa makalangit na buhay. (Mateo 11:11) Bukod sa mga ito, ‘isang malaking pulutong mula sa lahat ng bansa ang naglinis ng kanilang kasuutan at pinaputi iyon sa dugo ng Kordero,’ si Jesu-Kristo. Kanilang tinanggap ang gawaing pangangaral ng Kaharian na ngayon ay pinangungunahan ng ipinanganak-na-muling “mga kapatid” ni Jesus at maliligtas sa digmaan ng Diyos sa Armagedon upang mabuhay sa isang nilinis na lupa. (Apocalipsis 7:9-14; 16:14-16; Mateo 24:14; 25:31-46) Samakatuwid, sa kaayusan ng Diyos, milyun-milyon ang maliligtas, bagaman sila’y hindi ipinanganganak na muli upang magpunong kasama ni Kristo sa langit.​—1 Juan 2:1, 2.

Ikaw ba ay makakabilang sa mga magmamana ng buhay sa isang lupang paraiso? Maaari ngang magkagayon kung ikaw ay mananampalataya sa hain na inihandog ni Jesu-Kristo at aktibong makikiugnay sa tunay na kongregasyong Kristiyano. Ito ay hindi nasisingitan ng mga pilosopya kundi nananatiling “isang haligi at suhay ng katotohanan.” (1 Timoteo 3:15; ihambing ang Juan 4:24; 8:31, 32.) Kung magkagayon ay maaasahan mo ang isang kahanga-hangang kinabukasan pagka ang ipinanganak-na-muling mga anak ng Diyos ay naghahari na sa langit at lahat ng makalupang mga anak ng Diyos ay naisauli na sa kasakdalan sa isang kamangha-manghang lupang paraiso. Kaya samantalahin ang iyong pagkakataon para tamuhin ang buhay sa bagong sanlibutang iyon nang walang-hanggang mga pagpapala.​—Roma 8:19-21; 2 Pedro 3:13.

[Larawan sa pahina 6]

Si Adan ay hindi kailanman pinamilì na magtamo ng buhay sa langit o ng parusang walang-hanggan sa apoy ng impiyerno

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share