Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/15 p. 28-29
  • Nasaan ang Kaniyang mga Paa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasaan ang Kaniyang mga Paa?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pako sa mga Sakong
  • Muling Pagsusuri sa mga Sakong
  • Ano ang Masasabi Tungkol Kay Jesus?
  • Ang Iyong mga Kuko—Inaalagaan Mo ba ang mga Ito?
    Gumising!—1998
  • Pako sa Buto ng Sakong
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pako
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/15 p. 28-29

Nasaan ang Kaniyang mga Paa?

“BIKTIMA Pinilipit sa Krus, Ipinakikita Iyan ng Nahukay na mga Labí.” Nakita mo ba ang ganiyang paulong-balita noong Enero 1971? Marahil nga, sapagkat maraming mga artikulo sa mga pahayagan tungkol sa mga ilang bagong “ebidensiya” tungkol sa kamatayan sa isang krus.

Pagkatapos ng binanggit na titulo, nagsimula ang artikulo: “Jerusalem, Ene. 3 (Reuter)​—Ang mga arkeologong Israeli, pagkatapos na makahukay ng unang materyal na ebidensiya ng isang krusipiksiyon, ay nagsabi ngayon na maaaring iyo’y nagpapakilala na si Jesu-Kristo ay marahil namatay sa krus sa isang posisyon na naiiba kaysa ipinakikita sa tradisyonal na krus.”

Talaga bang ipinakita ng bagong ebidensiyang ito kung paanong ang mga Judio noong panahon ni Jesus ay pinapatay sa isang krus o isang tulos? Ano ba ang ipinasiya ng mga arkeologo tungkol sa posisyon ng katawan ng biktima? Ito ba’y may kaugnayan sa kamatayan ni Jesus? At gaano katibay, marahil itatanong mo, ang ebidensiya?

Isang Pako sa mga Sakong

Noong 1968 sa di-sinasadya’y nakadiskubre ng mga yungib na libingan malapit sa Jerusalem. Sa loob, sa gitna ng mga buto na ibinaong muli, ay nakatuklas ng wari’y isang pambihirang bagay​—mga buto ng sakong na tinusok ng isang kinakalawang na malaking pako. Si Dr. Nico Haas, anatomist at anthropologist ng Hebrew University-Hadassah Medical School, ay nanguna sa isang imbestigasyon ng mga natatanging butong ito. Ang respetadong Israel Exploration Journal (1970, Tomo 20, pahina 38-59) ay naglathala ng kaniyang konklusyon, na humantong sa mga ilang nakaaantig na artikulo sa pahayagan. Ano ba ang mga konklusyong iyon?

Siya’y nag-ulat na yaong nadiskubre ay wala kundi ang mga labí ng isang taong pinatay sa krus noong unang siglo. Waring, bilang saligan, ang dalawang sakong ng biktima ay ipinakong magkapatong sa isang patindig na tulos, subalit ang pako ay nabaluktot sa dulo nang ito’y tumama sa isang bukó sa kahoy. Pagkamatay ng biktimang Judio, ang mga kamag-anak ay nahihirapan na bunutin ang pako, kaya pinabayaan iyon na nasa kaniyang mga sakong paglilibing sa kaniya. Yamang isang pako ang tumusok sa kapuwa mga buto ng sakong at yamang wari nga na ang mga buto ng paa ay tinamaan sa posisyon ng isang anggulo, iniulat ni Dr. Haas na ang biktima ay malamang na pinatay sa posisyon na makikita sa ibaba. (May palagay rin si Dr. Haas na ang isang gasgas sa buto ng braso ay nagpapakita na ang mga braso ng taong iyon ay ipinako sa isang pahalang na kahoy.) Baka nakakita ka na ganiyang drowing sa isang pahayagan o artikulo sa magasin. Marami ang nananabik na malaman ang mga ipinahihiwatig ng paraan ng pagkamatay ni Jesus.

Subalit, muli, makabubuting itanong mo: Ang ebidensiya ba ay mapanghahawakan, at talaga bang may kaugnayan iyon sa paraan ng pagkamatay ni Jesus?

Muling Pagsusuri sa mga Sakong

Nang sumunod na mga ilang taon, ang ilang kilalang mga iskolar, tulad baga ni Propesor Yigal Yadin, ay nagsimulang kuwestiyunin ang mga mga konklusyon ni Haas. Sa wakas, ang Israel Exploration Journal (1985, Tomo 35, pahina 22-7) ay naglathala ng “Isang Muling Pagsusuri,” ng anthropologist na si Joseph Zias (Israel Department of Antiquities and Museums) at ni Eliezer Sekeles (Hebrew University-Hadassah Medical School). Kanilang pinag-aralan ang orihinal na ebidensiya, mga litrato, molde at mga radiograph ng mga buto. Marahil ay magtataka ka sa ilan sa kanilang mga natuklasan:

Ang pako ay mas maiksi kaysa iniulat ni Haas at samakatuwid ay hindi maaaring may sapat na haba upang tumusok sa mga buto ng dalawang sakong at ng kahoy. Mali ang pagkakilala sa mga piraso ng mga buto. Walang buto na galing sa ikalawang sakong; ang pako ay tumusok sa isa lamang sakong. Ang mga ilang parte ng buto ay galing sa ibang tao. Ang nagasgas na buto ng braso “ay hindi nakakakumbinsing” ebidensiya ng pagkapako sa pakrus na kahoy; ‘ang totoo, dalawang magkahawig na marka ang napansin sa buto ng isang paa; alinman dito ay walang koneksiyon sa krusipiksiyon.’

Sa anong konklusyon humantong ang bagong pagsusuring ito? “Kapuwa ang pasimula at katapusang rekonstruksiyon ng krusipiksiyon [ni Haas] ay sa tekniko at sa anatomiko ay imposible kung isasaalang-alang ang bagong ebidensiya . . . Kami’y hindi nakasumpong ng ebidensiya ng kaliwang buto ng sakong at tinataya namin na ang pako ay sapat para sa pagpapako ng isa lamang buto ng sakong . . . Ang kawalan ng malubhang kapinsalaan sa braso at sa metacarpals ng kamay ay waring nagpapakita na ang mga kamay ng nahatulan ay iginagapos imbis na ipinapako.” Makikita mo sa pahinang ito kung paano naguniguni ni Zias at Sekeles ang posisyon ng tao pagka papatayin.

Ano ang Masasabi Tungkol Kay Jesus?

Kung gayon, ano ang ipinakikita nito kung paano pinatay si Jesus? Sa totoo, walang gaano! Halimbawa, gaya ng tinalakay natin sa pahina 23, malamang na si Jesus ay pinatay sa isang nakatindig na tulos na walang anumang pakrus na kahoy. Walang sinuman ngayon na tiyak na nakakaalam kung ilang pako ang ginamit sa pagpapako kay Jesus. Ganito ang komento ng The International Standard Bible Encyclopedia (1979, Tomo 1, pahina 826): “Tungkol sa eksaktong bilang ng mga pakong ginamit . . . marami ang haka-haka. Sa pinakamaagang paglalarawan sa krusipiksiyon ang mga paa ni Jesus ay ipinakikitang nakabukod na ipinako, subalit sa mga huling paglalarawan ang mga paa niya ay magkakrus at ipinako sa nakatayong tulos sa pamamagitan ng isang pako.”

Batid natin na ang kaniyang mga kamay o mga braso ay hindi basta nakagapos, sapagkat nang bandang huli sinabi ni Tomas: “Maliban sa makita ko sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako.” (Juan 20:25) Mangangahulugan iyan ng isang pako sa bawat kamay o ang pangmaramihang “mga pako” ay marahil tumutukoy sa mga butas ng pako sa ‘kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa.’ (Tingnan ang Lucas 24:39.) Hindi natin malalaman nang tiyakan kung saan siya tinusok ng mga pako, bagaman malinaw na iyon ay sa kaniyang mga kamay. Ang Kasulatan ay hindi nagbibigay ng eksaktong mga detalye, at hindi naman kailangang gawin iyon. At kung ang mga iskolar na tuwirang sumuri sa mga buto na natuklasan malapit sa Jerusalem noong 1968 ay hindi man lang tiyakang nakaaalam kung paano nakapuwesto ang bangkay na iyon, tunay na hindi nagpapatunay ito kung paano ang puwesto ni Jesus.

Sa gayo’y kinikilala natin na ang mga paglalarawan sa kamatayan ni Jesus sa ating mga publikasyon, tulad ng makikita mo sa pahina 24, ay makatuwirang mga paglalarawan ng tanawin na iginuhit ng mga pintor, hindi lubus-lubusang mga pangungusap na batay sa anatomiya. Ang gayong mga paglalarawan ay hindi nagpapakita ng nagbabago at nagkakasalungatang mga opinyon ng mga iskolar, at ang mga drowing ay tiyak na umiiwas sa relihiyosong mga simbolo na nagmumula sa sinaunang paganismo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share