Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jesu-Kristo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Pag-iral Bago Naging Tao. Hindi sa lupa unang nabuhay ang persona na nakilala bilang si Jesu-Kristo. Sinabi niya mismo na nabuhay siya sa langit bago siya naging tao. (Ju 3:13; 6:38, 62; 8:23, 42, 58) Sa Juan 1:1, 2, ibinibigay ang pangalan sa langit ng isa na naging si Jesus, sa pagsasabi: “Nang pasimula ay ang Salita [sa Gr., Loʹgos], at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay isang diyos [“ay tulad-Diyos,” AT; Mo; o “may pagkadiyos,” Böhmer; Stage (parehong Aleman)]. Ang isang ito nang pasimula ay kasama ng Diyos.” Yamang si Jehova ay walang hanggan at hindi nagkaroon ng pasimula (Aw 90:2; Apo 15:3), tiyak na ang pagiging magkasama ng Salita at ng Diyos mula noong “pasimula” ay tumutukoy sa pasimula ng mga gawang paglalang ni Jehova. Pinatototohanan ito ng iba pang mga teksto na nagpapakilala kay Jesus bilang “ang panganay sa lahat ng nilalang,” “ang pasimula ng paglalang ng Diyos.” (Col 1:15; Apo 1:1; 3:14) Sa gayon, ipinakikilala ng Kasulatan ang Salita (si Jesus bago siya naging tao) bilang ang unang nilalang ng Diyos, ang kaniyang panganay na Anak.

  • Jesu-Kristo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kung bakit tinawag na “ang Salita.” Ang pangalan (o, marahil, titulo) na “ang Salita” (Ju 1:1) ay waring tumutukoy sa tungkuling ginampanan ng panganay na Anak ng Diyos nang maanyuan na ang iba pang matatalinong nilalang. Isang kahawig na pananalita ang matatagpuan sa Exodo 4:16, kung saan sinabi ni Jehova kay Moises tungkol sa kapatid nito na si Aaron: “At magsasalita siya sa bayan para sa iyo; at mangyayari nga na siya ay magiging parang bibig sa iyo, at ikaw ay magiging parang Diyos sa kaniya.” Bilang tagapagsalita para sa punong kinatawan ng Diyos sa lupa, si Aaron ay nagsilbing “bibig” para kay Moises. Gayundin ang naging gawain ng Salita, o Logos, na naging si Jesu-Kristo. Maliwanag na ginamit ni Jehova ang kaniyang Anak upang magtawid ng mga impormasyon at tagubilin sa iba pang kabilang sa kaniyang pamilya ng mga espiritung anak, kung paanong ginamit niya ang Anak na iyon upang maghatid ng kaniyang mensahe sa mga tao sa lupa. Upang ipakita na siya ang Salita, o Tagapagsalita, ng Diyos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig na Judio: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Kung ang sinuman ay nagnanais na gawin ang Kaniyang kalooban, makikilala niya tungkol sa turo kung ito ay mula sa Diyos o ako ay nagsasalita nang mula sa aking sarili.”​—Ju 7:16, 17; ihambing ang Ju 12:50; 18:37.

      Tiyak na bago naging tao si Jesus, bilang ang Salita, maraming pagkakataon na gumanap siya bilang Tagapagsalita ni Jehova sa mga tao sa lupa. Bagaman sa ilang teksto ay tinutukoy si Jehova na para bang tuwiran siyang nagsasalita sa mga tao, nililinaw naman sa ibang mga teksto na ginawa niya iyon sa pamamagitan ng anghelikong kinatawan. (Ihambing ang Exo 3:2-4 sa Gaw 7:30, 35; gayundin ang Gen 16:7-11, 13; 22:1, 11, 12, 15-18.) Makatuwirang isipin na sa karamihan sa gayong mga kaso, nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng Salita. Malamang na gayon ang ginawa niya sa Eden, sapagkat sa tatlong pagkakataon na binanggit na nagsalita ang Diyos doon, sa dalawa rito ay espesipikong ipinakikita ng ulat na mayroon Siyang kasama, na tiyak na ang kaniyang Anak. (Gen 1:26-30; 2:16, 17; 3:8-19, 22) Samakatuwid, ang anghel na pumatnubay sa Israel sa ilang at na ang tinig ay dapat na mahigpit na sundin ng mga Israelita sapagkat ‘nasa kaniya ang pangalan ni Jehova,’ ay posibleng ang Anak ng Diyos, ang Salita.​—Exo 23:20-23; ihambing ang Jos 5:13-15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share