Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 4/1 p. 10
  • “Lahat ng Nasa mga Alaalang Libingan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Lahat ng Nasa mga Alaalang Libingan”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Alaalang Libingan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alaalang libingan
    Glosari
  • Libingan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Diyos ay Nagmamalasakit sa Iyo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 4/1 p. 10

“Lahat ng Nasa mga Alaalang Libingan”

MATITIYAK mo ba na ang karamihan ng mga nangamatay ay mabubuhay uli? Oo, yamang sinabi ni Jesus: “Huwag ninyong ipanggilalas ito, sapagkat dumarating ang oras na lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas.” (Juan 5:28, 29) Pansinin ang pananalitang “alaalang libingan,” na ang New World Translation lamang ang gumagamit. Ipinagugunita nito sa atin ang kahalagahan ng alaala ng Diyos sa pagkabuhay-muli.

Bakit hindi ginagamit dito ang karaniwang saling “graves” (puntod)? Sapagkat hindi ginamit ni Jesus ang maramihan ng salitang Griegong taʹphos, na tumutukoy sa “puntod” o “pinaglilibingang lupa.” Tunay, hindi lahat ng nangamatay ay inilibing sa literal na mga puntod, o taʹphoi. Subalit, yaong mga bubuhaying-muli ng Diyos ay nasa kaniyang alaala. Ito’y ipinakikita ng paggamit ni Jesus ng pangmaramihang anyo ng mne·meiʹon, na may malapit na kaugnayan sa mga salitang Griegong ang pinaka-ugat na kahulugan ay “alalahanin.” (Mateo 16:9; Marcos 8:18) Sa Greek-English Lexicon ni H. G. Liddell at R. Scott ang mne·meiʹon ay isinalin na “memoryal, alaala, rekord ng isang tao o bagay, . . . libingan, . . . sa pangkalahatan, monumento.”

Samakatuwid, ipinakikita ng New World Translation ang pagkakaiba ng mga salitang taʹphos at mne·meiʹon. Kapuna-puna rin na marami sa mga salin ng Bibliya ang gumagamit din ng dalawang nagkakaibang mga salita sa Mateo 23:29 na kung saan makikita ang kapuwa mga terminong Griego. Ang mga ito ay isinasalin ng Revised Standard Version nang ganito: “Kayo’y nagtatayo ng mga libingan [isang anyo ng taʹphos] ng mga propeta at inyong ginagayakan ang mga monumento [isang anyo ng mne·meiʹon] ng mga matuwid.”

Ang Maylikha ng tao ay hindi nakalilimot sa kaayusan ng buhay ng libu-libong milyong mga tao na nabuhay. (Awit 139:16; 147:4; Mateo 10:30) Sa kaniyang takdang panahon, kaniyang aalalahanin yaong nasa mga “alaalang libingan” at sila’y bubuhaying-muli sa isang nilinis na lupa. Anong laking pampatibay-loob at kaaliwan ang tinatamasa natin sa pagkaalam na hindi maaaring mabigo ang sakdal na alaala o memorya ng Diyos!​—Apocalipsis 20:11-13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share