Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 1
    • Mangyari pa, ang pananampalataya sa hain ni Jesus ay mahalaga para sa lahat ng magtatamo ng kapatawaran ng Diyos at ng buhay na walang-hanggan, maging buhay man sa langit o buhay sa isang lupang paraiso. Ipinakita ito ni Jesus sa Juan 6:51-54: “Ako ang tinapay na buháy na bumababang galing sa langit; kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito siya’y mabubuhay magpakailanman; . . . ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman alang-alang sa buhay ng sanlibutan [ng mga taong maaaring tubusin] . . . Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang-hanggan.”

      Gayunman, kapuna-puna na ang mga salitang iyan ay hindi lamang sa kaniyang mga alagad sinalita ni Jesus. Kinabukasan pagkatapos na kaniyang makahimalang pakainin ang libu-libo, ang karamihan ng tao ay naparoon kay Jesus sa lugar na sakop ng Capernaum. Ang karamihang ito ay nakausap niya at kasali sa usapang iyon ang kaniyang mga sinabi sa Juan 6:51-54. Samakatuwid si Jesus ay hindi lamang sa kaniyang mga alagad nakikipag-usap nang kaniyang sabihin na siya ang makasagisag na “tinapay na bumababang galing sa langit” na makapagbibigay ng higit na mananatiling buhay kaysa manna na kinain sa iláng.​—Juan 6:24-34.

      Sa pagsasaalang-alang ng sinaunang karanasang iyan sa iláng, gunitain yaong mga lumabas sa Ehipto patungo sa iláng. Iyon ay mga ‘lalaking naglalakad, bukod sa mga bata, at isang malaking haluang karamihan.’ (Exodo 12:37, 38; 16:13-18) Sa “haluang karamihan” na ito ay kasali ang mga Ehipsiyo na nag-asawa ng mga Israelita at iba pang mga Ehipsiyo na sumama sa Israel. Kapuwa ang mga Israelita at ang “haluang karamihan” ay nangailangan ng manna upang manatiling buháy. Ang “haluang karamihan,” baga, ay mayroon ding kaparehong pag-asa na gaya ng mga Israelita? Wala, wala sila ng gayong pag-asa. Kahit na sila’y sumasamba na gaya ng mga Israelita at makaaasang papasok sa Lupang Pangako, sila ay hindi maaaring maging mga hari o mga saserdote sa ilalim ng tipang Kautusan. Samakatuwid ang pagkain sa literal na manna sa iláng ay hindi nagbigay sa lahat ng parehong mga pag-asa.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 1
    • Mangyari pa, lahat ng mga tunay na Kristiyano sa ngayon na umaasang mabubuhay sila magpakailanman sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ay nakakaalam na ito ay posible sa pamamagitan ng pananampalataya sa hain ni Jesus. Gaya ng sinabi ni Jesus sa karamihan, siya “ang tinapay na buháy na bumabang galing sa langit.” (Juan 6:51) Subalit, hindi ibig sabihin niyan na yaong mga may makalupang pag-asa ay dapat makibahagi sa literal na mga emblema sa Memoryal, yamang sila’y hindi kasali sa “bagong tipan,” ni sila man ay nakipagtipan kay Jesus upang makasali ‘sa kaniyang kaharian, na nakaluklok sa mga trono.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share