Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w20 Marso p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Kapitan ng Templo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Proteksiyon Mula sa mga Pulis—Mga Inaasahan at Kinatatakutan
    Gumising!—2002
  • “Tinipon Nila ang Sanedrin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
w20 Marso p. 31
Mga Judiong pulis ng templo habang inaaresto ang dalawang lalaking ipinahuli ng relihiyosong mga lider.

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Sino ang mga Judiong pulis ng templo? Ano ang mga gawain nila?

Ang isa sa mga gawain ng mga di-saserdoteng Levita ay gaya ng ginagawa ng mga pulis, o guwardiya. Sila ay nasa ilalim ng kapitan ng templo. Sinabi ng Judiong manunulat na si Philo kung ano ang mga gawain nila: “Ang ilan sa mga Levitang ito ay nagbabantay sa mga pinto ng templo kung saan pumapasok ang mga tao. Ang ilan ay nagbabantay sa harap ng santuwaryo. Tinitiyak nila na walang sinumang di-karapat-dapat ang makakapasok, sinasadya man o hindi. Ang ilan ay nagpapalitan araw at gabi sa pag-iikot sa templo para mabantayan ito.”

Ang mga guwardiyang ito ay kontrolado ng Sanedrin. Sila lang ang grupo ng mga Judio na pinayagan ng pamahalaan ng Roma na magdala ng sandata.

Sinabi ng iskolar na si Joachim Jeremias na nang arestuhin ng mga guwardiya si Jesus, tinanong niya sila kung bakit hindi nila siya inaresto noong nagtuturo siya sa templo. (Mat. 26:55) Para sa iskolar, hindi sana ito itatanong ni Jesus kung ang mga ito ay hindi kasama sa mga guwardiya sa templo. Naniniwala rin ang iskolar na ang ipinadala para arestuhin si Jesus sa isa pang naunang pagkakataon ay mga guwardiya rin sa templo. (Juan 7:32, 45, 46) Nang maglaon, isinugo ng Sanedrin ang kapitan ng templo at ang ilang guwardiya para dalhin sa kanila ang mga alagad ni Jesus. At malamang na ang mga guwardiya ring ito ang kumaladkad kay apostol Pablo palabas ng templo.​—Gawa 4:1-3; 5:17-27; 21:27-30.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share