Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang Unang-Siglong Jerusalem”
  • Ang Unang-Siglong Jerusalem

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Unang-Siglong Jerusalem
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Jerusalem at ang Templong Madalas Puntahan ni Jesus
    ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
  • B11 Bundok ng Templo Noong Unang Siglo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • B11 Bundok ng Templo Noong Unang Siglo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Kolonada ni Solomon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang Unang-Siglong Jerusalem”

FEATURE

Ang Unang-Siglong Jerusalem

MALAKI na ang ipinagbago ng Jerusalem sa ngayon kung ihahambing sa kalagayan nito noong unang siglo. Gayunpaman, salig sa pagsasaliksik ng arkeolohiya, posible nang muling buuin, bagaman hindi tiyak, ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lunsod. Makatutulong ito sa mga estudyante na gunigunihin ang mga pangyayaring naganap doon may kaugnayan sa ministeryo ni Jesus at ng kaniyang mga apostol.

Kapag si Jesus ay nasa Jerusalem sa mga panahon ng kapistahan, siya’y nagtuturo sa lugar ng templo kung saan matatagpuan ang mga tao. (Ju 7:14, 28; 18:20) Pagkamatay niya at matapos siyang buhaying-muli, ‘pinunô ng kaniyang mga alagad ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gaw 5:28) Mula sa Jerusalem ay lumaganap ang kanilang pagpapatotoo hanggang sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”​—Gaw 1:8.

Dahil sa gawain ni Jesus at ng kaniyang mga alagad, napaharap ang bansa sa mahalagang isyu: Tatanggapin ba nila ang isa na isinugo ni Jehova bilang Mesiyas? Kikilalanin ba nila ang kanilang pangangailangan sa Kaharian ng Diyos? Bagaman may mga nanampalataya kay Jesus, ang karamihan ay hindi tumugon. Humantong sa kasukdulan ang kawalang-pananampalataya ng bansa nang ipabayubay nito si Jesus, na sinuportahan ng mga taga-Jerusalem. Bilang resulta, ang lunsod ay winasak noong 70 C.E., gaya ng inihula ni Jesus.​—Luc 19:41-44.

[Mapa sa pahina 542]

MAPA: Ang Unang-Siglong Jerusalem

MGA PANGUNAHING LOKASYON—Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

Looban ng mga Gentil (?)

Ju 2:13-17; Mat 21:12, 13

Kolonada ni Solomon

Ju 10:22-39; Gaw 3:11–4:3; 5:12

Soreg

Efe 2:14, tlb sa Rbi8

Tore (Tanggulan) ng Antonia

Gaw 21:34–22:29; 23:10, 11, 16-30

Palasyo ng Gobernador

Ju 18:28–19:16

Bulwagan ng Sanedrin

Luc 22:66-71; Gaw 4:5-22; 5:27-41; 6:12–7:57; 22:30–23:10

Tipunang-tubig ng Betzata

Ju 5:1-9

Tipunang-tubig ng Siloam

Ju 9:6-11

Libis ng Hinom

Mar 9:47, 48; San 3:6

[Dayagram sa pahina 543]

DAYAGRAM: Mga Bahagi ng Templo. Ang templo sa Jerusalem gaya ng maaaring hitsura nito noong unang siglo

[Larawan sa pahina 544]

Umupa ang mga Pariseo ng mga tao upang masukol si Jesus sa usapin ng pagbabayad ng buwis sa Roma

[Larawan sa pahina 544]

Isang denario na may larawan ni Tiberio Cesar

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share