Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan—1991 | Hunyo 15
    • 7, 8. Papaano nagliwanag na ang kautusan ng Diyos ay kumakapit sa mga Kristiyano?

      7 Ipinakikita sa atin ng kasaysayan ang nangyari nang may bandang huli nang isang konsilyo ng lupong tagapamahalang Kristiyano ang nagpasiya kung ang mga Kristiyano ay kailangang sumunod sa lahat ng kautusan ng Israel. Sa ilalim ng banal na patnubay, kanilang sinabi na ang mga Kristiyano ay hindi naman obligado na sumunod sa kodigong Mosaiko ngunit “kailangan” na “patuloy na magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diyus-diyusan at sa dugo at sa mga binigti [karneng di-pinatulo ang dugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:22-29) Sa gayo’y kanilang niliwanag na ang pag-iwas sa dugo ay kasinghalaga rin sa moral sa pag-iwas sa mga diyus-diyusan at sa malaking kasalanang imoralidad.a

      8 Itinaguyod ng mga sinaunang Kristiyano ang banal na pagbabawal na iyan. Ang Britanong iskolar na si Joseph Benson ay nagsabi pa tungkol doon: “Ang pagbabawal na ito ng pagkain ng dugo, na ibinigay kay Noe at sa lahat ng kaniyang mga inapo, at inulit sa mga Israelita . . . ay hindi kailanman binawi, kundi, sa kabaligtaran, lalo pang pinagtibay sa ilalim ng Bagong Tipan, Gawa xv.; at sa gayo’y ginawang isang obligasyon na walang katapusan.” Gayunman, ang sinasabi ba ng Bibliya tungkol sa dugo ay nagbabawal ng paggamit nito sa modernong medisina, tulad halimbawa ng mga pagsasalin, na maliwanag na hindi naman ginamit noong kaarawan ni Noe o noong panahon ng mga apostol?

  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan—1991 | Hunyo 15
    • a Ang utos ay nagtapos: “Kung maingat na lalayuan ninyo ang mga bagay na ito, kayo’y uunlad. Maging malusog nawa kayo!” (Gawa 15:29) ‘Ang komentong “Maging malusog nawa kayo” ay hindi isang pangako tungkol sa bagay na, ‘Kung kayo’y iilag sa dugo o sa pakikiapid, kayo’y magkakaroon ng lalong mainam na kalusugan.’ Iyon ay isa lamang pansara sa liham, tulad ng, ‘Paalam na.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share