Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filipos—Lugar ng mga Bukál
    Gumising!—1991 | Marso 22
    • Kailan lamang na ang lupa ay matagumpay na naalisan ng tubig. Subalit naroon pa rin ang mga bukál, at dumadaloy pa rin ang mga sapa. Sa isang lugar, ang dating Romanong daan ay bumabagtas sa Ilog Gangites. Ang ilog ay mahalaga kay Pablo, at nais naming makita ito.

  • Filipos—Lugar ng mga Bukál
    Gumising!—1991 | Marso 22
    • Sang-ayon sa Bibliya, si Pablo at ang kaniyang mga kasama “ay tumira sa lungsod na ito, gumugol ng ilang araw.” (Gawa 16:12) Walang kapana-panabik na mga pangyayari ang iniulat. Pagkatapos isang araw nabalitaan ni Pablo ang isang maliit na grupo na hindi sumusunod sa dati o bagong mga diyos gayunma’y sinasabing mga debotado. Sila’y nagtitipon sa kabila ng arko sa labas ng bayan malapit sa lugar kung saan ang daan ay bumabagtas sa sapa.

      “At nang araw ng sabbath,” sulat ni Lucas, “ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo’y sinapantahan naming may dakong mapananalanginan; at kami’y nangaupo at nakipagsalitaan sa mga babaing nangakatipon.” Ang usapan ay patungkol sa pag-asa ng kaligtasan at buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Lalo na “isang babaing nagngangalang Lydia, na mangangalakal na kayong kulay-ube, . . . ay nakikinig, at binuksan ni Jehova ang kaniyang puso upang bigyan-pansin ang mga bagay na sinalita ni Pablo.”​—Gawa 16:13, 14; ihambing ang Filipos 2:12, 16; 3:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share