Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Atenas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang Atenas ay isa ring napakarelihiyosong lunsod, kung kaya nagkomento ang apostol na si Pablo na ang mga taga-Atenas ay ‘waring higit na matatakutin sa mga bathala kaysa sa iba.’ (Gaw 17:22) Ayon sa istoryador na si Josephus, ang mga taga-Atenas ang ‘pinakarelihiyoso sa mga Griego.’ (Against Apion, II, 130 [12]) Kontrolado ng Estado ang relihiyon at itinaguyod ito sa pamamagitan ng paggasta para sa mga pampublikong paghahain, mga ritwal, at mga prusisyon bilang parangal sa mga diyos. May mga idolo sa mga templo, mga liwasan, at mga lansangan, at ang mga tao ay palaging nananalangin sa mga diyos bago makibahagi sa kanilang intelektuwal na mga piging o mga simposyum, mga kapulungang pampulitika, at atletikong mga paligsahan. Upang huwag magalit ang alinman sa mga diyos, nagtayo pa nga ang mga taga-Atenas ng mga altar para “Sa Isang Di-kilalang Diyos,” isang gawaing binanggit ni Pablo sa Gawa 17:23. Pinatutunayan ito ng ikalawang-siglong heograpo na si Pausanias, na nagpaliwanag na samantalang naglalakbay siya sa daan mula sa daungan ng Phaleron Bay patungong Atenas (na marahil ay dinaanan din ni Pablo pagdating niya roon), napansin niya ang “mga altar ng mga diyos na tinatawag na Di-kilala, at ng mga bayani.”​—Description of Greece, Attica, I, 4.

  • Atenas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Samantalang nasa pamilihan, si Pablo ay hinamon ng mga pilosopong Estoico at Epicureo at pinaghinalaan na “isang tagapaghayag ng mga bathalang banyaga.” (Gaw 17:18) Maraming uri ng relihiyon sa Imperyo ng Roma, ngunit ipinagbawal ng batas Griego at Romano ang pagpapasok ng ibang mga diyos at bagong relihiyosong mga kaugalian, lalo na kapag ang mga ito ay salungat sa katutubong relihiyon. Maliwanag na napaharap si Pablo sa mga problema dahil sa kawalang-pagpaparaya sa relihiyon sa lunsod ng Filipos na naimpluwensiyahan ng Roma. (Gaw 16:19-24) Bagaman mas mapag-alinlangan at mapagparaya ang mga tumatahan sa Atenas kaysa sa mga taga-Filipos, lumilitaw na nababahala pa rin sila kung paano maaaring maapektuhan ng bagong turong ito ang seguridad ng estado. Dinala si Pablo sa Areopago, ngunit hindi matiyak kung nagsalita siya sa harap ng hukumang tinatawag na Areopago. Sinasabi ng ilan na noong mga araw ni Pablo, ang hukumang iyon ay hindi na nagtitipon sa burol kundi sa agora.

      Ang mahusay na patotoo ni Pablo sa harap ng edukadong mga tao sa Atenas ay kapupulutan ng aral hinggil sa taktika at kaunawaan. Sa halip na mangaral tungkol sa isang bagong bathala, ipinakita niyang nangangaral siya tungkol sa mismong Maylalang ng langit at lupa, at mataktika niyang tinukoy ang “Di-kilalang Diyos,” na ang altar ay nakita niya, at sumipi pa nga siya mula sa Phænomena ni Aratus, isang makata ng Cilicia, at mula sa Hymn to Zeus ni Cleanthes. (Gaw 17:22-31) Bagaman tinuya siya ng karamihan, naging mananampalataya ang ilang taga-Atenas, kabilang na si Hukom Dionisio ng Areopago at ang isang babae na nagngangalang Damaris.​—Gaw 17:32-34.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share