-
‘Hanapin ang Diyos at Talagang Makikita Siya’‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
13. Ano ang ipinaliwanag ni Pablo tungkol sa pinagmulan ng uniberso, at ano ang mensahe niya?
13 Ang Diyos ang lumalang sa uniberso. Sinabi ni Pablo: “Ang Diyos na gumawa ng mundo at ng lahat ng narito, ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi naninirahan sa mga templong gawa ng tao.”d (Gawa 17:24) Hindi lang basta lumitaw ang uniberso. Ang tunay na Diyos ang Maylalang ng lahat. (Awit 146:6) Ang kaluwalhatian ni Athena o ng iba pang bathala ay nakadepende sa mga templo, dambana, at altar, samantalang ang Kataas-taasang Panginoon ng langit at lupa ay hindi man lang magkasya sa mga templong gawa ng tao. (1 Hari 8:27) Malinaw ang mensahe ni Pablo: Ang tunay na Diyos ay mas maluwalhati kaysa sa anumang idolong gawa ng tao na makikita sa mga templong gawa ng tao.—Isa. 40:18-26.
-
-
‘Hanapin ang Diyos at Talagang Makikita Siya’‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
d Ang salitang Griego na isinaling “mundo” ay koʹsmos, na ginagamit ng mga Griego upang tumukoy sa pisikal na uniberso. Posibleng ginamit ni Pablo ang terminong ito sa ganitong diwa para magkaroon sila ng mapagkakasunduan ng mga tagapakinig niyang Griego.
-