Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Galio”
  • Galio

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Galio
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Inskripsiyon Tungkol kay Galio
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Acaya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Proconsul
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Gawa ng mga Apostol, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Galio”

GALIO

Ang proconsul ng Acaya, na sa harap ng kaniyang luklukan ng paghatol ay inakusahan ng mga Judio si Pablo ng panghihikayat sa mga tao tungo sa ibang paniniwala sa pagsamba sa Diyos. Pinawalang-saysay ni Galio ang kaso sa saligang hindi ito nagsasangkot ng paglabag sa batas Romano. Dahil dito, binugbog ng pulutong si Sostenes na punong opisyal ng sinagoga, ngunit ipinasiya ni Galio na huwag ding sumangkot dito.​—Gaw 18:12-17.

Ayon sa mga sekular na impormasyon, si Galio ay ipinanganak sa Cordova, Espanya, noong mga pasimula ng unang siglo C.E. Siya ay anak ng orador na si Seneca at nakatatandang kapatid ni Seneca na pilosopo. Ang orihinal na pangalan ni Galio ay Lucio Annaeo Novato. Ngunit, nang ampunin siya ng orador na si Lucio Junio Galio, ginamit niya ang pangalan ng umampon sa kaniya.

Makatutulong ang isang inskripsiyon mula sa Delphi sa pagpepetsa ng termino ni Galio bilang proconsul ng Acaya. (Gaw 18:12) Palibhasa’y pira-piraso lamang, ang teksto ng inskripsiyon ay kailangang muling buuin, ngunit malinaw na taglay nito ang pangalan ni “[Lucio Ju]nio Galio, . . . proconsul.” Ang mga istoryador ay karaniwang sumasang-ayon na ang teksto ay isang liham mula kay Emperador Claudio Cesar at ang numerong 26 na natagpuan doon ay tumutukoy sa pagtanggap ni Claudio ng pagkilala bilang emperador sa ika-26 na pagkakataon. (Si Claudio ang nagsauli ng Acaya sa kalagayan nito na isang hiwalay na probinsiya na nasa pamamahala ng senado at sa gayon ay may isang proconsul.) Malamang na isinulat ang liham na ito noong unang kalahatian ng 52 C.E., sapagkat ipinahihiwatig ng iba pang inskripsiyon na si Claudio ay kinilalang emperador sa ika-27 pagkakataon bago ang Agosto 1, 52 C.E. Inilagay ng isang inskripsiyong Cariano at isang inskripsiyon sa paagusan na tinawag na Aqua Claudia sa Roma ang ika-26 at ika-27 pagkilala kay Claudio bilang emperador sa loob ng taon ng kaniyang ika-12 yugto ng kapangyarihang mahistrado. Ang ika-12 yugtong mahistrado na ito ay katugma ng Enero 25, 52 C.E., hanggang Enero 24, 53 C.E. Kung gayon, ang pagkaproconsul ni Galio sa Acaya (isang katungkulan na kalimitang tumatagal nang isang taon, nag-uumpisa sa pasimula ng tag-araw) ay lumilitaw na tumagal mula noong tag-araw ng 51 C.E. hanggang noong tag-araw ng 52 C.E., bagaman mas pinapaboran ng ilang iskolar ang 52-53 C.E.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share