Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 7
  • Matiyaga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matiyaga
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Pablo
  • Ang Matututuhan Natin kay Pablo
  • Tularan si Pablo
  • Mapagpakumbaba
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • May Interes sa Kausap
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Matiisin
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Balikan ang mga Interesado—Kailan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 7

PAGDALAW-MULI

Si apostol Pablo na nangangaral sa isang awditoryum ng paaralan.

Gawa 19:​8-10

ARALIN 7

Matiyaga

Prinsipyo: “Walang pagod silang nagpatuloy sa pagtuturo at paghahayag ng mabuting balita.”​—Gawa 5:42.

Ang Ginawa ni Pablo

Si apostol Pablo na nangangaral sa isang awditoryum ng paaralan.

VIDEO: Naging Matiyaga si Pablo sa mga Taga-Efeso

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 19:8-10. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Imbes na sumuko noong sinasalansang siya ng ilan, paano nagtiyaga si Pablo na tulungan ang mga nagpakita ng interes?

  2. Gaano kadalas binalikan ni Pablo ang mga interesado, at gaano niya katagal ginawa iyon?

Ang Matututuhan Natin kay Pablo

2. Kailangang magsikap at maglaan ng panahon para maging epektibo ang pagdalaw nating muli at makapagpasimula ng Bible study.

Tularan si Pablo

3. Ibagay ang schedule mo sa schedule ng kausap mo. Pag-isipan: ‘Kailan ko kaya siya mas malamang na makausap? Anong oras at saan kaya siya mas kumbinyenteng makipag-usap sa akin?’ Sikaping balikan siya kahit hindi kumbinyente sa iyo ang oras na iyon.

4. Makipag-appointment. Bago matapos ang bawat pag-uusap, alamin kung kailan siya puwedeng makausap ulit. Sikaping balikan siya sa oras at lugar na napagkasunduan ninyo.

5. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag agad isipin na hindi interesado ang isang tao kung bihira mo siyang madatnan sa bahay o lagi siyang busy. (1 Cor. 13:​4, 7) Maging matiyaga. Pero siyempre, siguraduhing nagagamit mong mabuti ang oras mo.​—1 Cor. 9:26.

TINGNAN DIN

Gawa 10:42; 1 Cor. 9:​22, 23; 2 Cor. 4:1; Gal. 6:9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share