Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ‘Lumalaganap at Nagtatagumpay’ Kahit Sinasalansang
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • 15. Pagdating sa espiritismo at sa mga gamit na may kaugnayan dito, paano natin matutularan ang halimbawa ng mga taga-Efeso?

      15 Dahil sa kahihiyang inabot ng mga anak na lalaki ni Esceva, marami ang natakot sa Diyos, anupat iniwan nila ang kanilang espiritistikong mga gawain at naging mga mananampalataya. Bahagi na ng buhay ng mga taga-Efeso ang mahika. Pangkaraniwan na ang pangkukulam, mga bulong, at paggamit ng mga agimat. Napakilos ngayon ang mga taga-Efeso na ilabas at sunugin sa harap ng madla ang kanilang mga aklat sa mahika—bagaman lumilitaw na sa kabuoan, nagkakahalaga ang mga ito ng sampu-sampung libong dolyar, ayon sa kasalukuyang pagtantiya.d Iniulat ni Lucas: “Kaya sa makapangyarihang paraan, patuloy na lumaganap at nagtagumpay ang salita ni Jehova.” (Gawa 19:17-20) Isa ngang malaking tagumpay laban sa kasinungalingan at demonismo! Ang mga tapat na taga-Efeso ay nag-iwan ng magandang halimbawa para sa atin ngayon. Laganap din ang espiritismo sa ating panahon. Kung may makita tayong isang bagay sa mga gamit natin na may kaugnayan sa espiritismo, dapat nating tularan ang mga taga-Efeso—agad itong sirain, itapon, o sunugin! Iwasan natin at huwag panghinayangan ang gayong kasuklam-suklam na mga bagay.

  • ‘Lumalaganap at Nagtatagumpay’ Kahit Sinasalansang
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
    • d Nabanggit ni Lucas ang halagang 50,000 pirasong pilak. Kung ito ay denario, katumbas ito ng suweldo noon ng isang manggagawa na nagtrabaho nang 50,000 araw—mga 137 taon—pitong araw kada linggo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share