-
‘Lumalaganap at Nagtatagumpay’ Kahit Sinasalansang‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
“Nagkaroon ng Malaking Gulo” (Gawa 19:23-41)
“Mga kaibigan, alam na alam ninyong malaki ang kita natin sa negosyong ito.”—Gawa 19:25
16, 17. (a) Paano nagpasimula ng gulo si Demetrio sa Efeso? (b) Paano ipinakita ng mga taga-Efeso ang kanilang pagkapanatiko?
16 May panibagong taktika na naman si Satanas. Ito ang inilarawan ni Lucas nang isulat niya na “nagkaroon ng malaking gulo dahil sa Daan.” Ano kayang gulo ang tinutukoy rito?e (Gawa 19:23) Isang panday-pilak na nagngangalang Demetrio ang nagpasimula ng gulo. Nakuha niya ang atensiyon ng kaniyang kapuwa mga manggagawa nang ipaalaala niya sa kanila na malaki ang kinikita nila sa pagbebenta ng mga idolo. Pagkatapos, pinalabas niyang malulugi ang kanilang negosyo kapag nakinig ang mga tao sa mensahe ni Pablo, yamang hindi gumagamit ng idolo ang mga Kristiyano sa kanilang pagsamba. Saka niya sinamantala ang pagkamakabayan ng mga taga-Efeso sa pamamagitan ng pagbibigay-babala na ang kanilang diyosang si Artemis at ang kanilang bantog na templo ay nanganganib na “mabale-wala.”—Gawa 19:24-27.
-
-
‘Lumalaganap at Nagtatagumpay’ Kahit Sinasalansang‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
e Sinasabi ng ilan na ang pangyayaring ito ang tinutukoy ni Pablo nang sabihin niya sa mga taga-Corinto na ‘iniisip nilang mamamatay na sila.’ (2 Cor. 1:8) Pero posible rin namang isang mas mapanganib na sitwasyon ang tinutukoy niya. Nang isulat ni Pablo na “nakipaglaban [siya] sa mababangis na hayop sa Efeso,” maaaring ang tinutukoy niya ay ang mababangis na hayop sa isang arena o ang mismong pagsalansang ng mga tao. (1 Cor. 15:32) Alinman dito ay posible.
-