Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
    • 8. Paano ipinakita ng mga bagong mananampalataya noong Pentecostes na malinaw sa kanila kung sino ang ginagamit ni Kristo?

      8 Mula noong Pentecostes 33 C.E., ginamit ng binuhay-muling si Kristo ang kaniyang mga apostol bilang instrumento para pakainin ang iba pa niyang mga pinahirang alagad. (Basahin ang Gawa 2:41, 42.) Malinaw sa mga Judio at proselita na naging pinahirang Kristiyano noong araw na iyon kung sino ang ginagamit ni Kristo. Taglay ang lubos na pagtitiwala, “patuloy nilang iniukol ang kanilang sarili,” o nanatili silang tapat, sa “turo ng mga apostol.” Ang mga bagong mananampalataya ay gutóm sa espirituwal na pagkain, at alam na alam nila kung saan ito makukuha. Umasa sila sa mga apostol para ipaliwanag sa kanila ang mga sinabi at ginawa ni Jesus at linawin ang mga kasulatan tungkol sa kaniya.c​—Gawa 2:22-36.

  • Pinakakain ang Marami sa Pamamagitan ng Iilan
    Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
    • c Parapo 8: Yamang ang mga bagong mananampalataya ay ‘patuloy na nag-ukol ng kanilang sarili sa turo ng mga apostol,’ ipinakikita nito na ang mga apostol ay regular na nagtuturo. Ang ilan sa mga turo ng mga apostol ay permanenteng nakaulat sa kinasihang mga aklat na bahagi ngayon ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share