Lumaganap ang Kristiyanismo sa Ibang Bansa
SA Bundok ng mga Olibo malapit sa Betania, nag-atas si Jesus ng isang gawaing pangangaral na huhubog sa kasaysayan ng daigdig. Magsisimula ito mga tatlong kilometro sa gawing kanluran—sa Jerusalem. Palalaganapin ang mensahe sa karatig na Judea at Samaria, hanggang sa wakas ay makarating sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”—Gaw 1:4, 8, 12.
Hindi pa natatagalan matapos sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, nagkasama-sama sa Kapistahan ng Pentecostes ang mga Judio at mga proselita mula sa buong Imperyo ng Roma, mula sa mga pook na makikita sa mapang nasa ibaba. Ang pangangaral ni apostol Pedro sa kanila nang araw na iyon ang nagbukas ng daan para sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo.—Gaw 2:9-11.
Di-nagtagal at nangalat ang mga tagasunod ni Kristo dahil sa pag-uusig sa Jerusalem. Tinulungan nina Pedro at Juan ang mga Samaritano na pakinggan at tanggapin ang mabuting balita. (Gaw 8:1, 4, 14-16) Matapos makapagpatotoo si Felipe sa isang Etiope na nasa isang daan sa disyerto pababa “mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza,” lumaganap ang Kristiyanismo sa Aprika. (Gaw 8:26-39) Halos kasabay nito, nagbunga ang mensahe sa Lida, na nasa Kapatagan ng Saron, at sa daungan ng Jope. (Gaw 9:35, 42) Mula roon ay pumunta si Pedro sa Cesarea at tinulungan ang Romanong opisyal na si Cornelio, ang kaniyang mga kamag-anak, at ang kaniyang mga kaibigan na maging pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano.—Gaw 10:1-48.
Si Pablo, isang dating mang-uusig, ay naging apostol sa mga bansa. Naglakbay siya sa katihan at sa karagatan sa tatlong paglalakbay bilang misyonero at sa paglalakbay sa Roma. Pinalaganap ng apostol at ng iba pa ang mabuting balita sa maraming sentro ng Imperyo ng Roma. Hinangad ni Pablo na makarating sa Espanya (Tingnan ang pahina 2.), at si Pedro naman ay naglingkod hanggang sa silangan sa Babilonya. (1Pe 5:13) Oo, sa ilalim ng aktibong pangunguna ni Kristo, pinalaganap ng kaniyang mga tagasunod ang Kristiyanismo sa ibang bansa. Pagsapit ng 60/61 C.E., ‘ang mabuting balita ay ipinangaral sa lahat ng nilalang na nasa silong ng langit.’ (Col 1:6, 23) Mula noon, ang mabuting balitang ito ay literal na nakaabot sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”
[Mapa sa pahina 32]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Paglaganap ng Kristiyanismo
Mga Lugar na Napaabutan Agad ng Mabuting Balita
B1 ILIRICO
B1 ITALYA
B1 Roma
C1 MACEDONIA
C2 GRESYA
C2 Atenas
C2 CRETA
C3 Cirene
C3 LIBYA
D1 BITINIA
D2 GALACIA
D2 ASIA
D2 FRIGIA
D2 PAMFILIA
D2 CIPRUS
D3 EHIPTO
D4 ETIOPIA
E1 PONTO
E2 CAPADOCIA
E2 SICILIA
E2 MESOPOTAMIA
E2 SIRYA
E3 SAMARIA
E3 Jerusalem
E3 JUDEA
F2 MEDIA
F3 Babilonya
F3 ELAM
F4 ARABIA
G2 PARTHIA
[Katubigan]
C2 Dagat Mediteraneo
D1 Dagat na Itim
E4 Dagat na Pula
F3 Gulpo ng Persia
[Mapa sa pahina 32, 33]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Mga Paglalakbay ni Pablo
Unang Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 13:1–14:28)
H3 Antioquia (sa Sirya)
H3 Seleucia
G4 CIPRUS
G3 Salamis
G4 Pafos
G3 PAMFILIA
F3 Perga
F3 PISIDIA
F2 Antioquia (sa Pisidia)
G2 Iconio
G2 LICAONIA
G2 Listra
G3 Derbe
G2 Listra
G2 Iconio
F2 Antioquia (sa Pisidia)
F3 PISIDIA
G3 PAMFILIA
F3 Perga
F3 Atalia
H3 Antioquia (sa Sirya)
Ikalawang Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 15:36–18:22)
H3 Antioquia (sa Sirya)
H3 SIRYA
H3 SICILIA
H3 Tarso
G3 Derbe
G2 Listra
G2 Iconio
F2 Antioquia (sa Pisidia)
F2 FRIGIA
G2 GALATIA
E2 MISIA
E2 Troas
E1 SAMOTRACIA
D1 Neapolis
D1 Filipos
C1 MACEDONIA
D1 Amfipolis
D1 Tesalonica
D1 Berea
C2 GRESYA
D2 Atenas
D2 Corinto
D3 ACAYA
E2 Efeso
G4 Cesarea
H5 Jerusalem
H3 Antioquia (sa Sirya)
Ikatlong Paglalakbay Bilang Misyonero (Gaw 18:22–21:19)
H3 SIRIA
H3 Antioquia (sa Sirya)
G2 GALATIA
F2 PHRYGIA
H3 SICILIA
H3 Tarso
G3 Derbe
G2 Listra
G2 Iconio
F2 Antioquia (sa Pisidia)
E2 Efeso
E2 ASIA
E2 Troas
D1 Filipos
C1 MACEDONIA
D1 Amfipolis
D1 Tesalonica
D1 Berea
C2 GRESYA
D2 Atenas
D2 Corinto
D1 Berea
D1 Tesalonica
D1 Amfipolis
D1 Filipos
E2 Troas
E2 Asos
E2 Mitilene
E2 KIOS
E2 SAMOS
E3 Mileto
E3 Cos
E3 RODAS
F3 Patara
H4 Tiro
H4 Tolemaida
G4 Cesarea
H5 Jerusalem
Paglalakbay Patungong Roma (Gaw 23:11–28:31)
H5 Jerusalem
G4 Cesarea
H4 Sidon
F3 Mira
F3 LICIA
E3 Cinido
D3 CRETE
D4 CAUDA
A3 MALTA
A3 SICILIA
A3 Siracusa
A1 ITALYA
B2 Regio
A1 Puteoli
A1 Roma
Mga Pangunahing Lansangan (Tingnan ang publikasyon)
[Pitong kongregasyon]
E2 Pergamo
E2 Tiatira
E2 Sardis
E2 Smirna
E2 Efeso
F2 Filadelfia
F2 Laodicea
[Iba pang mga lokasyon]
E3 PATMOS
F2 Colosas
F5 Alejandria
F5 EHIPTO
G1 BITINIA
G5 Jope
G5 Lida
G5 Gaza
H1 PONTO
H2 CAPADOCIA
H4 Damasco
H4 Pela
[Katubigan]
D4 Dagat Mediteraneo
[Larawan sa pahina 33]
Dulaan sa Mileto, ang lunsod na doo’y kinatagpo ni Pablo ang matatanda mula sa Efeso
[Larawan sa pahina 33]
Altar ni Zeus sa Pergamo. Ang mga Kristiyano ay nanirahan sa lunsod na ito na “kinaroroonan ng trono ni Satanas”—Apo 2:13