-
MarcosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
MARCOS
Ang Romanong huling pangalan ng anak ni Maria ng Jerusalem. Ang kaniyang pangalang Hebreo ay Juan, nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-loob.” (Gaw 12:12, 25) Si Marcos ay pinsan ni Bernabe, naging kasama siya sa paglalakbay ni Bernabe at ng iba pang sinaunang mga misyonerong Kristiyano, at kinasihan siya upang isulat ang Ebanghelyo na nagtataglay ng kaniyang sariling pangalan. (Col 4:10) Si Marcos ang Juan Marcos na binanggit sa aklat ng Mga Gawa at ang Juan ng Gawa 13:5, 13.
Lumilitaw na siya ay isa sa mga unang mananampalataya kay Kristo. Ang tahanan ng kaniyang ina ay ginamit bilang isang dako ng pagsamba ng sinaunang kongregasyong Kristiyano, na maaaring nangangahulugan na kapuwa siya at si Marcos ay naging mga tagasunod ni Jesus bago namatay si Kristo. (Gaw 12:12) Yamang si Marcos lamang ang bumabanggit ng bahagyang nadaramtang kabataang lalaki na tumakas noong gabi ng pagkakanulo kay Jesus, may dahilan upang maniwalang si Marcos mismo ang kabataang lalaking iyon. (Mar 14:51, 52) Kaya malamang na si Marcos ay naroroon nang ibuhos ang banal na espiritu sa mga 120 alagad ni Kristo noong Pentecostes 33 C.E.—Gaw 1:13-15; 2:1-4.
-
-
Marcos, Mabuting Balita Ayon kayKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Maliwanag na si Juan Marcos ay may iba pang mga pinagkunan ng impormasyon. Yamang nagtitipon noon sa tahanan ng kaniyang ina ang unang mga alagad ni Jesus (Gaw 12:12), tiyak na may kakilala si Marcos na iba pang mga tao, bukod kay Pedro, na lubos na nakakakilala kay Jesu-Kristo, mga indibiduwal na nakakita sa pagsasagawa Niya ng Kaniyang gawain at nakarinig sa Kaniyang pangangaral at pagtuturo. Dahil malamang na siya ang “kabataang lalaki” na tinangkang dakpin ng mga umaresto kay Kristo ngunit “tumakas na hubad,” lumilitaw na si Marcos mismo sa paanuman ay nagkaroon ng personal na pakikipag-ugnayan kay Jesus.—Mar 14:51, 52.
-