Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ipinagtatanggol ang Ating Pananampalataya
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 1
    • 12. Ano ang mga kalagayang nagpakilos kina Pablo at Bernabe na magsalita nang may katapangan sa Iconio?

      12 Tingnan din ang halimbawa nina Pablo at Bernabe. Sinasabi ng Gawa 14:1, 2: “Sa Iconio ay pumasok silang magkasama sa sinagoga ng mga Judio at nagsalita nang gayon na lamang anupat isang malaking karamihan ng kapuwa mga Judio at Griego ang naging mga mananampalataya. Subalit ang mga Judio na hindi naniwala ay nanulsol at may-kasamaang inimpluwensiyahan ang mga kaluluwa ng mga tao ng mga bansa laban sa mga kapatid.” Ganito naman ang mababasa sa The New English Bible: “Subalit ang mga di-nakumberteng Judio ay nanulsol sa mga Gentil at nilason ang kanilang isip laban sa mga Kristiyano.” Hindi pa nakontento sa pagtanggi sa mensahe, inilunsad ng mga Judiong mananalansang ang isang kampanya ng paninira, anupat sinikap na sulsulan ang mga mamamayang Gentil laban sa mga Kristiyano.a Talagang gayon na lamang katindi ang kanilang pagkapoot sa Kristiyanismo! (Ihambing ang Gawa 10:28.) Nadama nina Pablo at Bernabe na ito ay “panahon ng pagsasalita,” dahil baka masiraan ng loob ang mga bagong alagad dahil sa hayagang pandurusta. “Sa gayon ay gumugol sila [Pablo at Bernabe] ng mahabang panahon sa pagsasalita nang may katapangan sa pamamagitan ng awtoridad ni Jehova,” na nagpakita ng kaniyang pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng makahimalang mga tanda. Bunga nito, ang ilan ay naging “para sa mga Judio ngunit ang iba ay para sa mga apostol.”​—Gawa 14:3, 4.

  • Ipinagtatanggol ang Ating Pananampalataya
    Ang Bantayan—1998 | Disyembre 1
    • a Ipinaliliwanag ng Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible na “sinasadya [ng mga Judiong mananalansang] na pumunta sa mga iyon [mga Gentil] na kilala nila, at sabihin ang lahat ng masamang maiisip nila, upang itanim sa kanila hindi lamang ang isang hamak kundi isang masamang opinyon sa Kristiyanismo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share