Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Inirerekomenda ng Diyos sa Atin ang Kaniyang Pag-ibig
    Ang Bantayan—2011 | Hunyo 15
    • 7, 8. Paano magkaiba ang resulta ng landasin ng dalawang sakdal na tao?

      7 Maibiging naglaan si Jehova ng isang kaayusan para makalaya ang mga tao mula sa minanang kasalanan. Ipinaliwanag ni Pablo na naging posible ito sa pamamagitan ng isa pang sakdal na tao​—ang ikalawang Adan, wika nga. (1 Cor. 15:45) Pero magkaibang-magkaiba ang resulta ng landasin ng dalawang sakdal na taong ito. Paano?​—Basahin ang Roma 5:15, 16.

      8 “Ang sa kaloob ay hindi gaya ng sa pagkakamali,” ang isinulat ni Pablo. Si Adan ang nakagawa ng pagkakamaling iyon, at makatarungan lang na hatulan siya ng kamatayan. Pero hindi lang siya ang daranas ng kamatayan. Mababasa natin: “Dahil sa pagkakamali ng isang tao ay marami ang namatay.” Nadamay ang lahat ng di-sakdal na inapo ni Adan, kasama na tayo, sa makatarungang hatol na iyon. Gayunman, nakaaaliw malaman na ang taong sakdal na si Jesus ay makapagdudulot ng ibang resulta. Ano iyon? Sinabi ni Pablo na ito’y “ang pagpapahayag sa [lahat ng uri ng mga tao] na matuwid para sa buhay.”​—Roma 5:18.

      9. Ano ang ibig sabihin kapag ipinapahayag ng Diyos na matuwid ang mga tao, gaya ng binabanggit sa Roma 5:16, 18?

      9 Ano ang kahulugan ng mga salitang Griego na nasa pananalitang “pagpapahayag ng katuwiran” at “pagpapahayag sa kanila na matuwid”? Isang tagapagsalin ng Bibliya ang sumulat tungkol sa konseptong ito: “Isa itong metapora tungkol sa batas na waring nagdiriin ng isang legal na punto. Tumutukoy ito sa pagbabago sa katayuan ng isang tao may kaugnayan sa Diyos, hindi sa panloob na pagbabago ng taong iyon . . . Sa metapora, inilalarawan ang Diyos bilang hukom na nakagawa na ng desisyong pabor sa akusado, na iniharap sa hukuman ng Diyos, wika nga, dahil sa paratang na pagiging di-matuwid. Pero pinawalang-sala ng Diyos ang akusado.”

  • Inirerekomenda ng Diyos sa Atin ang Kaniyang Pag-ibig
    Ang Bantayan—2011 | Hunyo 15
    • 14, 15. Ano ang gantimpala para sa mga ipinahayag ng Diyos na matuwid, ngunit ano pa ang kailangan nilang gawin?

      14 Isip-isipin kung gaano kalaking kaloob mula sa Makapangyarihan-sa-lahat na patawarin ang isang tao mula sa kasalanang minana niya at pati sa mga nagawa niyang pagkakamali! Hindi mabibilang kung gaano karaming kasalanan ang nagawa ng isang indibiduwal bago naging Kristiyano. Gayunman, salig sa pantubos, mapatatawad ng Diyos ang mga kasalanang iyon. Sumulat si Pablo: “Ang kaloob mula sa maraming pagkakamali ay nagbunga ng pagpapahayag ng katuwiran.” (Roma 5:16) Ang mga apostol at ang iba pa na tumanggap ng maibiging kaloob na ito (ang pagpapahayag sa kanila na matuwid) ay kailangang patuloy na sumamba sa tunay na Diyos taglay ang pananampalataya. At ano ang magiging gantimpala? “Yaong mga tumatanggap ng kasaganaan ng di-sana-nararapat na kabaitan at ng walang-bayad na kaloob na katuwiran ay mamamahala bilang mga hari sa buhay sa pamamagitan ng isang tao, si Jesu-Kristo.” Oo, ang epekto ng kaloob na katuwiran ay kabaligtaran ng epekto ng kasalanan ni Adan. Buhay ang dulot ng kaloob na iyon.​—Roma 5:17; basahin ang Lucas 22:28-30.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share