-
Magsaya Tayo sa Ating Pag-asaAng Bantayan—2012 | Marso 15
-
-
10, 11. (a) Ano ang pag-asa ng ibang mga tupa? (b) Paano nauugnay kay Kristo at sa “pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos” ang katuparan ng pag-asa ng sangkatauhan?
10 Sumulat si apostol Pablo tungkol sa maluwalhating pag-asa ng inianak-sa-espiritung “mga anak ng Diyos” na magiging “mga kasamang tagapagmana” ni Kristo. Pagkatapos, binanggit niya ang kamangha-manghang pag-asang ibinibigay ni Jehova sa ibang mga tupa na walang-takdang bilang: “Ang may-pananabik na pag-asam ng sangnilalang [o, sangkatauhan] ay naghihintay sa pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos [ang mga pinahiran]. Sapagkat ang sangnilalang ay ipinasakop sa kawalang-saysay, hindi ayon sa sarili nitong kalooban kundi sa pamamagitan niya na nagpasakop nito, salig sa pag-asa na ang sangnilalang din mismo ay palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.”—Roma 8:14-21.
-
-
Magsaya Tayo sa Ating Pag-asaAng Bantayan—2012 | Marso 15
-
-
12. Paano makikinabang ang sangkatauhan sa pagsisiwalat sa mga pinahiran?
12 Kaylaking ginhawa ang mararanasan ng “sangnilalang,” o sangkatauhan, sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo! Sa panahong iyon, ang niluwalhating “mga anak ng Diyos” ay ‘isisiwalat’ sa isa pang paraan. Sila’y magiging mga saserdote kasama ni Kristo at tutulong para makamit ng sangkatauhan ang mga pakinabang ng haing pantubos. Ang “sangnilalang,” na sakop ng makalangit na Kaharian, ay makalalaya sa mga epekto ng kasalanan at kamatayan. Ang masunuring mga tao ay unti-unting “palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan.” Kung mananatili silang tapat kay Jehova sa panahon ng Milenyong Paghahari ni Kristo at sa panghuling pagsubok, ang mga pangalan nila ay permanenteng mapapasulat sa “balumbon ng buhay.” Matatamo nila ang “maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Apoc. 20:7, 8, 11, 12) Tunay na isang maluwalhating pag-asa!
-