Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mag-ingat sa Mapandayang Puso
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • 7 Baka sabihin ng isang Kristiyano na hindi siya madadaya ng kaniyang puso, gaya ng nangyari sa marami noong panahon ni Jeremias. Halimbawa, baka ikatuwiran ng isa, ‘Kailangan kong magtrabaho para mapakain ang pamilya ko,’ at tama naman iyon. Pero paano kung isipin din niya, ‘Kailangan ko ng karagdagang edukasyon para makakuha ng magandang trabaho’? Waring tama din iyon. Pero bandang huli baka sabihin na niya, ‘Iba na ngayon. Para makaraos ka at hindi mawalan ng trabaho, dapat tapós ka ng kolehiyo.’ Oo, napakadaling maliitin ang matalino at timbang na payo ng tapat at maingat na alipin hinggil sa karagdagang edukasyon at mag-umpisang umabsent sa mga pulong! Ang ilan ay unti-unting nahuhubog, o naiimpluwensiyahan, ng pangangatuwiran ng sanlibutan. (Efe. 2:2, 3) Tamang-tama ang babala ng Bibliya: “Huwag na kayong magpahubog ayon sa sistemang ito ng mga bagay.”​—Roma 12:2.a

      Mga larawan sa pahina 46

      Nadadaya ka ba ng iyong puso na umabsent sa mga pulong?

  • Mag-ingat sa Mapandayang Puso
    Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias
    • a Mababasa sa NET Bible (2005): “Huwag maging kaayon ng sanlibutang ito.” Ayon sa talababa nito: “Ang pagiging ‘kaayon’ ng sanlibutang ito ay sinasabing nangyayari nang hindi namamalayan. Sa kabilang banda, . . . puwede ring namamalayan ito. Pero mas malamang na kombinasyon ito ng dalawang nabanggit.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share