-
‘Makitangis sa mga Tumatangis’Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Hulyo
-
-
14. Ano ang puwede nating sabihin bilang kaaliwan para sa namatayan?
14 Kaya naman, mahirap malaman kung ano ang sasabihin sa nagdadalamhati. Pero sinasabi ng Bibliya na “ang dila ng marurunong ay kagalingan.” (Kaw. 12:18) Marami ang nakakita ng nakaaaliw na pananalita mula sa brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.c Pero ang pinakamagandang magagawa mo ay ang “makitangis sa mga taong tumatangis.” (Roma 12:15) “Sa pag-iyak, nailalabas ko ang nadarama ko,” ang sabi ni Gaby, na namatayan ng mister. “Kaya naman naaaliw ako kapag kasama kong umiiyak ang mga kaibigan ko. Sa panahong iyon, nadarama kong hindi ako nagdadalamhating mag-isa.”
-
-
‘Makitangis sa mga Tumatangis’Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Hulyo
-
-
20. Bakit malaking kaaliwan sa atin ang mga pangako ni Jehova?
20 Nakaaaliw ngang malaman na aalisin ni Jehova, na Diyos ng buong kaaliwan, ang lahat ng pagdadalamhati at maglalaan siya ng walang-hanggang kaaliwan dahil “ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng [tinig ni Kristo] at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Nangangako ang Diyos na “lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.” (Isa. 25:8) Sa panahong iyon, sa halip na “makitangis sa mga taong tumatangis,” ang lahat ay ‘makikipagsaya sa mga taong nagsasaya.’—Roma 12:15.
-