-
Tularan si Jehova, ang Ating Di-nagtatanging DiyosAng Bantayan—2003 | Hunyo 15
-
-
11. Paano ipinakita ang kawalang-pagtatangi sa sinaunang kongregasyong Kristiyano?
11 Sa sinaunang kongregasyong Kristiyano, pantay-pantay ang mga Judio at di-Judio. “Kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan para sa bawat isa na gumagawa ng mabuti,” ang paliwanag ni Pablo, “para sa Judio muna at gayundin para sa Griego. Sapagkat walang pagtatangi ang Diyos.”b (Roma 2:10, 11) Hindi nakasalalay sa etnikong pinagmulan ang pagtatamasa nila ng di-sana-nararapat na kabaitan ni Jehova, kundi sa kanilang pagtugon nang matutuhan nila ang hinggil kay Jehova at ang pag-asang ibinigay ng pantubos ng kaniyang Anak, si Jesus. (Juan 3:16, 36) Sumulat si Pablo: “Siya ay hindi Judio na gayon sa panlabas, ni ang pagtutuli man ay yaong nasa panlabas sa laman. Kundi siya ay Judio na gayon sa panloob, at ang kaniyang pagtutuli ay yaong sa puso sa pamamagitan ng espiritu, at hindi sa pamamagitan ng isang nakasulat na kodigo.” Pagkatapos, sa pamamagitan ng mapamaraang paggamit ng mga salitang may kinalaman sa terminong “Judio” (na nangangahulugang “ng Juda,” samakatuwid nga’y, pinapurihan), idinagdag ni Pablo: “Ang papuri ng isang iyon ay nanggagaling, hindi sa mga tao, kundi sa Diyos.” (Roma 2:28, 29) Pumupuri si Jehova nang walang pagtatangi. Ganoon din ba tayo?
-
-
Tularan si Jehova, ang Ating Di-nagtatanging DiyosAng Bantayan—2003 | Hunyo 15
-
-
b Dito, ang pananalitang “Griego” ay tumutukoy sa mga Gentil sa pangkalahatan.—Insight on the Scriptures, inilathala ng mga Saksi ni Jehova, Tomo 1, pahina 1004.
-