Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sostenes”
  • Sostenes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sostenes
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • “Patuloy Kang Magsalita at Huwag Kang Manahimik”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
  • Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng mga Gawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Galio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sostenes”

SOSTENES

[mula sa mga salitang-ugat na nangangahulugang “magligtas” at “lakas”].

Ang punong opisyal ng sinagoga ng Corinto noong panahon ng pagdalaw ni Pablo sa Corinto; posibleng siya ang kahalili ni Crispo na naging isang Kristiyano. Nang tumanggi si Proconsul Galio na dinggin ang mga paratang ng mga Judio laban sa relihiyosong turo ni Pablo, kinuha ng pulutong si Sostenes at binugbog ito. Binabanggit ng ilang manuskrito na ang pulutong ay binubuo ng “mga Griego” na laban sa mga Judio; ang iba ay kababasahan ng “mga Judio.” Gayunman, ang dalawang iyon ay mga interpolasyon, yamang hindi sinasabi ng tatlong pinakamatatandang manuskrito kung aling pangkat ng mga tagasunod ang umatake kay Sostenes.​—Gaw 18:8, 12-17.

Maaaring ang masamang karanasang ito ni Sostenes ang umakay sa kaniyang pagkakumberte tungo sa Kristiyanismo at nang maglaon ay sa pagsama niya kay Pablo sa Efeso, sapagkat inilakip ni Pablo sa mga bating pambungad ng kaniyang unang liham sa mga taga-Corinto ang mga pagbati ng isang Sostenes (isang pangalang Griego na hindi gaanong pangkaraniwan), na tinutukoy ito bilang “ating kapatid.”​—1Co 1:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share