Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Paano Bubuhaying Muli ang mga Patay?”
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
    • 3. Gaya ng makikita sa 1 Corinto 15:30-32, ano ang nagawa ni Pablo dahil naniniwala siya sa pagkabuhay-muli?

      3 Dahil naniniwala si Pablo sa pagkabuhay-muli, napagtiisan niya ang iba’t ibang pagsubok. (Basahin ang 1 Corinto 15:30-32.) Sinabi niya sa mga taga-Corinto: “Araw-araw akong napapaharap sa kamatayan.” Sinabi rin ni Pablo: “Nakipaglaban ako sa mababangis na hayop sa Efeso.” Posibleng ang pakikipaglaban sa mga hayop sa arena sa Efeso ang tinutukoy niya. (2 Cor. 1:8; 4:10; 11:23) O puwede ring ang tinutukoy niya ay ang mga Judiong kumakalaban sa kaniya at ang iba pa na parang “mababangis na hayop.” (Gawa 19:26-34; 1 Cor. 16:9) Anuman iyon, mapanganib na mga sitwasyon ang napaharap kay Pablo, pero nanatili siyang positibo tungkol sa hinaharap.​—2 Cor. 4:16-18.

  • “Paano Bubuhaying Muli ang mga Patay?”
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Disyembre
    • 5. Anong mapanganib na pangangatuwiran ang maaaring magpahina sa ating pananampalataya sa pagkabuhay-muli?

      5 Binabalaan ni Pablo ang kaniyang mga kapatid tungkol sa mapanganib na pangangatuwiran ng ilan: “Kung hindi bubuhaying muli ang mga patay, ‘kumain tayo at uminom, dahil bukas ay mamamatay tayo.’” May nangangatuwiran na rin nang ganiyan bago pa man ang panahon ni Pablo. Posibleng sinisipi ni Pablo ang Isaias 22:13, na tumutukoy sa pananaw ng mga Israelita. Sa halip na maging malapít sa Diyos, pagpapasarap sa buhay ang inuuna nila. Para bang sinasabi ng mga Israelita, “Narito tayo ngayon, bukas, wala na,” na karaniwan ding sinasabi ng mga tao ngayon. Pero iniulat ng Bibliya na masama ang ibinunga nito sa bansang Israel.​—2 Cro. 36:15-20.

      6. Paano dapat makaimpluwensiya sa pagpili natin ng mga kasama ang pag-asang pagkabuhay-muli?

      6 Maliwanag na kayang buhaying muli ni Jehova ang mga patay, at dapat itong makaimpluwensiya sa pagpili natin ng mga kasama. Kailangang iwasan ng mga kapatid sa Corinto ang pakikisama sa mga hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. May matututuhan tayo dito: Wala tayong mapapala sa palaging pakikisama sa mga taong walang pakialam sa mangyayari sa hinaharap. Sisirain lang nila ang ating pananaw at mabuting ugali bilang mga tunay na Kristiyano. Baka dahil pa nga sa kanila, makagawa tayo ng mga bagay na kinapopootan ng Diyos. Kaya hinihimok tayo ni Pablo: “Bumalik kayo sa katinuan at gawin ang tama, at huwag kayong mamihasa sa kasalanan.”​—1 Cor. 15:33, 34.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share