Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananaig sa Kahinaan ng Tao
    Ang Bantayan—2001 | Marso 15
    • 4. Anong payo na nakaulat sa 1 Corinto 10:12, 13 ang ibinigay ni Pablo?

      4 Nang sumulat si Pablo sa mga Kristiyanong naninirahan sa Corinto​—isang lunsod na kilala sa kabuktutan ng moral nito​—nagbigay siya ng makatotohanang babala laban sa tukso at sa kapangyarihan ng kasalanan. Sinabi niya: “Siyang nag-iisip na nakatayo siya ay mag-ingat upang hindi siya mabuwal. Walang tuksong dumating sa inyo maliban doon sa karaniwan sa mga tao. Ngunit ang Diyos ay tapat, at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo, kundi kalakip ng tukso ay gagawa rin siya ng daang malalabasan upang mabata ninyo iyon.” (1 Corinto 10:12, 13) Tayong lahat​—bata at matanda, lalaki at babae​—ay napapaharap sa maraming tukso sa paaralan, sa trabaho, o saanman. Kung gayon, suriin natin ang mga salita ni Pablo at tingnan kung ano ang kahulugan ng mga ito para sa atin.

  • Pananaig sa Kahinaan ng Tao
    Ang Bantayan—2001 | Marso 15
    • 7. Bakit nakaaaliw na malaman na matagumpay na nalabanan ng iba ang tukso?

      7 Kay laking kaaliwan ang natatamo natin mula sa mga salita ni Pablo: “Walang tuksong dumating sa inyo maliban doon sa karaniwan sa mga tao”! (1 Corinto 10:13) Sumulat si apostol Pedro: “Manindigan kayo laban sa [Diyablo], matatag sa pananampalataya, yamang nalalaman ninyo na ang gayunding mga bagay sa pamamagitan ng mga pagdurusa ay nagaganap sa buong samahan ng inyong mga kapatid sa sanlibutan.” (1 Pedro 5:9) Oo, napaharap ang iba sa gayunding mga tukso at matagumpay na nalabanan ang mga ito sa tulong ng Diyos, at magagawa rin natin ito. Gayunman, bilang tunay na mga Kristiyano na nabubuhay sa isang buktot na daigdig, makaaasa tayong lahat na sa malao’t madali ay tutuksuhin tayo. Kung gayon, paano tayo makapagtitiwala na madaraig natin ang kahinaan ng tao at ang tukso na magkasala?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share