KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 2 CORINTO 4-6
“Hindi Tayo Sumusuko”
Isip-isipin ang dalawang pamilya na nakatira sa iisang gusali na sira-sira. Maiintindihan natin ang kawalang-pag-asa ng isang pamilya. Pero masaya ang ikalawang pamilya. Bakit? Dahil malapit na silang lumipat sa isang bago at magandang tahanan.
“Ang lahat ng nilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon,” pero ang mga lingkod ng Diyos ay napalalakas ng kanilang pag-asa. (Ro 8:22) Ang mga problema natin, kahit ang mga matagal na nating tinitiis, ay “panandalian at magaan” kung ikukumpara sa buhay na walang hanggan sa ilalim ng bagong sanlibutan ng Diyos. Kung magpopokus tayo sa mga pagpapala ng Kaharian, magiging masaya tayo at hindi susuko.