Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paano Mananatiling Hiwalay sa Sanlibutan
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • 3. (a) Bakit hindi nakibahagi si Jesus sa pulitika noong panahon niya? (b) Bakit masasabing mga embahador ang mga pinahirang tagasunod ni Jesus? (Isama ang talababa.)

      3 Sa halip na makibahagi sa pulitika noong panahon niya, itinuon ni Jesus ang kaniyang pansin sa pangangaral hinggil sa Kaharian ng Diyos, isang makalangit na pamahalaan na siya ang magiging Hari. (Daniel 7:13, 14; Lucas 4:43; 17:20, 21) Kaya noong nasa harap siya ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato, sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Juan 18:36) Tinutularan ng tapat na mga tagasunod ni Kristo ang kaniyang halimbawa sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kaniya at sa kaniyang Kaharian at sa pamamagitan ng paghahayag ng Kahariang ito sa buong daigdig. (Mateo 24:14) “Kami samakatuwid ay mga embahador na humahalili para kay Kristo,” ang isinulat ni apostol Pablo. “Bilang mga kahalili para kay Kristo ay nagsusumamo kami: ‘Makipagkasundo kayo sa Diyos.’”a​—2 Corinto 5:20.

      4. Paano ipinakikita ng lahat ng tunay na Kristiyano ang katapatan sa Kaharian ng Diyos? (Tingnan ang kahong “Neutral ang mga Sinaunang Kristiyano.”)

      4 Dahil kinakatawanan ng mga embahador ang isang banyagang pamamahala o estado, hindi sila nakikialam sa gawain ng mga bansa kung saan sila nakadestino; nananatili silang neutral. Pero itinataguyod ng mga embahador ang kapakanan ng pamahalaan ng bansang kinakatawanan nila. Totoo rin iyan sa mga pinahirang tagasunod ni Kristo, na ang “pagkamamamayan ay nasa langit.” (Filipos 3:20) Sa katunayan, dahil sa kanilang pagiging masigasig sa pangangaral hinggil sa Kaharian, natulungan nila ang milyun-milyong “ibang mga tupa” ni Kristo na ‘makipagkasundo sa Diyos.’ (Juan 10:16; Mateo 25:31-40) Sinusuportahan naman ng “ibang mga tupa” na ito ang mga pinahirang kapatid ni Jesus. Bilang nagkakaisang kawan na nagtataguyod sa Mesiyanikong Kaharian, ang dalawang grupong ito ay ganap na neutral sa pulitikal na gawain ng sanlibutang ito.​—Isaias 2:2-4.

  • Kung Paano Mananatiling Hiwalay sa Sanlibutan
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • a Mula noong Pentecostes 33 C.E., namahala si Kristo bilang Hari sa kaniyang kongregasyon ng mga pinahirang tagasunod sa lupa. (Colosas 1:13) Noong 1914, iniluklok si Kristo bilang hari ng “kaharian ng sanlibutan.” Kaya ang mga pinahirang Kristiyano ngayon ay naglilingkod din bilang mga embahador ng Mesiyanikong Kaharian.​—Apocalipsis 11:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share