Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 26-27
  • Paninigarilyo—Ang mga Panganib

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paninigarilyo—Ang mga Panganib
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Mataas na Halagang Ibabayad!
  • Ang Anatomiya ng Masamang Pagdadahilan
  • Pagbibigay ng Iyong Pinakamagaling sa Espirituwal na Paraan
  • Talaga Bang Gayon Kasama ang Paninigarilyo?
    Gumising!—1991
  • Bakit Dapat Huminto sa Paninigarilyo?
    Gumising!—2000
  • Nagbunsod ng Puro-Hanging Pangangatuwiran ang mga Tagatangkilik ng Sigarilyo
    Gumising!—1995
  • Mga Ahente ng Kamatayan—Parokyano Ka Ba?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 26-27

Ang Pangmalas ng Bibliya

Paninigarilyo​—Ang mga Panganib

NOONG mga 1950, isang kompanya ng sigarilyo ang nag-anunsiyo sa marka nito na “kung ano ang pinipidido ng doktor.” Punung-puno ng pagtitiwala, ang gayong mga sawikain ay dating nagtaguyod sa mga sigarilyo bilang mga tulong sa kalusugan at kalakasan​—subalit hindi na gayon! Panahon ito kung kailan ang mga gobyerno ay humihiling na ang mga kaha ng sigarilyo ay magpakita ng mga etiketa na nagbibigay-babala tungkol sa malubhang mga panganib sa kalusugan.

Gayumpaman, ang ilang maninigarilyo ay nanghahawakan sa ideya na ang ‘isang sigarilyo ay tumutulong sa akin na mag-isip at gumawa na mas mahusay.’ Maaaring iwaksi nila sa isip ang banta sa kalusugan na katulad din ng pagkain ng kendi para sa kagyat na lakas o pag-inom ng kape upang simulan ang umaga. O maaaring takdaan nila ang panganib ng paninigarilyo sa pisikal na katawan. Tama kaya sila? Mayroon bang kaso sa pangangatuwiran na ang isang sigarilyo​—sa lahat ng panganib nito​—ay maaaring tumulong sa kanila na gumawa nang mas mahusay?

Isang Mataas na Halagang Ibabayad!

Kung baga ang isang sigarilyo ay nagdudulot sa maninigarilyo ng higit na pagkaalisto at kakayahan o lumilikha lamang ng ilusyon sa paggawa niyaon, walang alinlangan na ang gantimpala ay dumarating sa isang katakut-takot na halaga. Bukod sa panganib na magkaroon ng kanser at sakit sa puso, isaalang-alang ang mas madaling resulta: “Sa loob lamang ng pito hanggang sampung segundo ng bawat hitit, nadarama ng maninigarilyo ang nakapagpapasiglang epekto ng isang droga, ang nikotina: “Ito’y isinasagawa-sa-sarili,” sabi ng saykoparmakologo sa University of California na si Nina Schneider, “at sinusupil nito ang iyong kondisyon at paggawa. Iyan ang gumagawa ritong napakalakas makasugapa.”

Nakasusugapa na gaya ng heroin at cocaine? Oo, sabi ng surgeon general ng Estados Unidos sa isang babala na inilabas noong Mayo 16, 1988. Ang pagkasugapa na ito ng katawan, sabi niya, ang dahilan kung bakit ang ilang mga maninigarilyo ay “magpapatuloy sa kabila ng malubhang ibubunga sa katawan, isipan o sa lipunan.”

At anong mga resulta! Noong 1985 ang paninigarilyo ang may pananagutan sa 100,000 kamatayan sa isang taon sa Britaniya, 350,000 isang taon sa Estados Unidos, at sangkatlo ng lahat ng kamatayan sa Gresya. Ang rekord na ito bilang isang suliraning pangkalusugan ng publiko ay mahirap pagpaumanhinan. Ang kontrabida, ang usok ng tabako, ay hindi lamang walang pakinabang sa katawan bilang isang pagkain o inumin kundi totoong nakapipinsala.

Kaya nga, ang nikotina ba sa tabako ay mas masama kaysa caffeine sa kape, tsa, o tsokolate? Mula sa pangmalas ng medisina, wala itong pagkakatulad. Ganito ang sabi ni Dr. Peter Dews, mananaliksik may kinalaman sa caffeine mula sa Harvard University: “Sa pangkalahatan, ang caffeine ay hindi isang mahalagang salik sa hindi mabuting kalusugan sa bansa na gaya ng paninigarilyo.” Subalit ang pagsasakdal na ito ng medisina tungkol sa paninigarilyo ay simula lamang.

Ang Anatomiya ng Masamang Pagdadahilan

Upang makita kung bakit ang paninigarilyo ay lubhang kakaibang bagay sa pagkain at mga inumin, isaalang-alang ang disenyo ng iyong katawan. Ang Eclesiastes 7:29 ay nagsasabi na “ginawang matuwid ng Diyos ang tao, ngunit nagsihanap sila ng maraming plano.” Bagaman ang pagkain ay isang bigay-Diyos na likas na gawain ng iyong katawan, ang pagmamalabis sa mga gamot na hindi pangmedisina ay imbento ng tao. Walang likas, katamtamang paggamit sa nakasusugapang mga sangkap na ito. Ito man ay hinihitit, iniinom bilang gamot, o itinuturok ng iniksiyon, pinasisigla nito at ginagamit nito ang mga gawain ng katawan sa mga paraang salungat sa kalikasan.

Kung ihahambing, tutustusan ng halos anumang pagkain o inumin ang ilan sa normal na mga pangangailangan ng inyong katawan para sa gatong, paglaki, at pagkumpuni ng himaymay. Ipagpalagay na, dapat iwasan ng mga taong may ilang problema sa kalusugan ang pagkain na may pampreserba, matataba, o caffeine. (Sa isa na may diabetis, ang ordinaryong asukal ay mapanganib.) Subalit sa karamihan ng mga tao, kahit na ang mga pagkaing ito ay may sustansiya at, sa katamtaman, ay hindi mapanganib. Ang paninigarilyo ay lubhang kakaibang istorya naman.

Kahit na ang isa o dalawang sigarilyo, gaya ng isang paggamit ng cocaine para sa kasiyahan, ay mapanganib na kaakit-akit. Nasumpungan ng isang pag-aaral ng gobyerno ng Britaniya na kapag ang mga kabataan ay nagsigarilyo ng mga dalawang sigarilyo, mayroon lamang silang 15-porsiyentong tsansa na manatiling hindi naninigarilyo.

Pagbibigay ng Iyong Pinakamagaling sa Espirituwal na Paraan

Tiyak na hindi mo maibibigay ang iyong pinakamagaling bilang isang walang kayang biktima na ang katawan ay dumidepende sa droga​—ang “di matatanggihang simbuyo” ng nikotina gaya ng pagkakalarawan dito ng U.S. surgeon general. Sa halip na hayaang alipinin ka ng iyong katawan, ang Bibliya ay namamanhik para sa pagpipigil-sa-sarili, ang kapangyarihan na ‘supilin ang iyong katawan na parang alipin.’​—1 Corinto 9:24-27.

Sinasalakay ng tabako hindi lamang ang laman ng maninigarilyo​—nanganganib na magkakanser, emphysema, at sakit sa puso at sa mga daluyan ng dugo​—kundi sinasalakay din nito ang kaniyang kalooban. Kaya, sa pamamagitan ng tuso nitong polusyon, talagang inaalipin ng bisyo ang personalidad o ang disposisyon ng isip ng maninigarilyo. “Sa loob ng 26 na taon,” sabi ng isang manunulat sa magasing Time, “ako’y naging alipin ng sigarilyo. Hindi kukulangin sa sampung taon, sinikap kong makalaya rito. Tanging ang mga kakatuwa sa nikotina na paulit-ulit na sumubok na alisin ang bisyo at nabigo ang lubos na makapagpapahalaga kung gaano kahirap ihinto ito.”

Tayo’y inuubliga ng Bibliya, bilang mga minamahal ng Diyos, na “linisin ang ating sarili sa lahat ng karumihan [polusyon] ng laman at ng espiritu.”​—2 Corinto 7:1; Kingdom Interlinear.

Bakit ba nagmamalasakit ang Diyos sa kung baga inaabuso natin ang atin mismong katawan at isipan? Sapagkat siya ang ating maibiging Maylikha, na nababahala na tayo’y mamuhay sa ating lubusang potensiyal bilang kaniyang nilalang. Sumasamo sa ating katuwiran, sabi niya: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, na Siyang nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan [hindi ng makapipinsala].”​—Isaias 48:17.

Ang tunay na hamon, kung gayon, ay maging tapat sa ating sarili para sa ating kabutihan. Walang kabuluhang ipagtanggol ang paninigarilyo dahil sa nakapagpapahinahong epekto nito o dahil sa iba pang “mga pakinabang” na kasingkahulugan na rin ng pag-iwas sa hirap na dinaranas dahil sa paglayo sa nikotina. Sa medikal na paraan, ang paninigarilyo ay isang malaking kapahamakan sa kalusugan ng publiko; subalit sa relihiyosong paraan, ang imbensiyong ito ng tao sa paghahatid ng nikotina sa daluyan ng dugo sa pamamagitan ng mga bagà ay nagwawalang-bahala sa malinis na mga pamantayan ng ating Maylikha at pinarurumi at pinasasama ang katawan ng tao. Kaya bakit ka mag-aanyaya ng problema? Anong buti na sundin ang kawikaan na: “Ang taong pantas ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli, ngunit dinaraanan ng walang karanasan at nagtitiis.”​—Kawikaan 22:3.

[Picture Credit Line sa pahina 26]

Vincent van Gogh, Bungo na May Sigarilyo, 1885. Sa kagandahang-loob ng National Museum, Amsterdam, Holland

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share