KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 2 CORINTO 7-10
Paglilingkod sa Ating mga Kapatid
May dalawang bahagi ang ministeryo ng mga Kristiyano—ang “ministeryo ng pakikipagkasundo,” o ang ating gawaing pangangaral at pagtuturo, at ang “tulong bilang paglilingkod” sa ating mga kapatid. (2Co 5:18-20; 8:4, tlb.) Kaya bahagi ng sagradong paglilingkod ang pagtulong sa nangangailangang mga kapatid. Sa paggawa nito,
mailalaan ang pangangailangan ng mga kapatid.—2Co 9:12a
matutulungan silang maibalik ang kanilang espirituwal na rutin, gaya ng pakikibahagi sa pangangaral, bilang pasasalamat nila kay Jehova.—2Co 9:12b
mabibigyan ng kapurihan si Jehova. (2Co 9:13) Ang pagtulong sa nasalantang mga kapatid ay magandang patotoo sa lahat, pati na sa may negatibong pananaw sa mga Saksi ni Jehova