Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w20 Hunyo p. 17
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Patuloy Ka Bang Lalakad Ayon sa Espiritu’?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Nagpapaakay Ka ba sa Espiritu ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Patuloy na ‘Mamunga Nang Marami’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Panatilihing Nakasuot ang “Bagong Personalidad” Pagkatapos ng Bautismo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
w20 Hunyo p. 17

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

May iba pa bang “mga katangian na bunga ng espiritu” bukod sa binabanggit sa Galacia 5:22, 23?

  • PAG-IBIG

  • KAGALAKAN

  • KAPAYAPAAN

  • PAGTITIIS

  • KABAITAN

  • KABUTIHAN

  • PANANAMPALATAYA

  • KAHINAHUNAN

  • PAGPIPIGIL SA SARILI

Binabanggit ng mga talatang iyon ang siyam na katangiang dapat ipakita ng isang Kristiyano: “Ang mga katangian na bunga ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.” Pero hindi ibig sabihin na iyon lang ang magagandang katangian na bunga ng espiritu ng Diyos.

Pansinin ang sinabi ni apostol Pablo sa naunang mga talata: “Ang mga gawa ng laman . . . ay seksuwal na imoralidad, karumihan, paggawi nang may kapangahasan, idolatriya, espiritismo, alitan, pag-aaway, selos, pagsiklab ng galit, pagtatalo, pagkakabaha-bahagi, sekta, inggit, paglalasingan, walang-patumanggang pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito.” (Gal. 5:19-21) Kaya puwede pang bumanggit si Pablo ng ibang mga bagay na kasama sa “mga gawa ng laman,” gaya ng mababasa sa Colosas 3:5. Sa katulad na paraan, matapos banggitin ang siyam na magagandang katangian, sinabi niya: “Walang kautusan laban sa mga ito.” Sa orihinal na wika, ang pananalitang “sa mga ito” ay puwede ring isaling “sa gayong mga bagay.” Kaya hindi talaga binanggit ni Pablo ang lahat ng magagandang katangian na puwede nating ipakita sa tulong ng banal na espiritu.

Makikita ito kapag ikinumpara ang mga katangiang iyon sa isinulat ni Pablo sa kongregasyon sa Efeso: “Ang bunga ng liwanag ay binubuo ng bawat uri ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan.” (Efe. 5:8, 9) Oo, ang “kabutihan,” pati na ang katuwiran at katotohanan, ay bahagi ng “bunga ng liwanag,” pero isa rin itong katangian na “bunga ng espiritu.”

Sa katulad na paraan, pinayuhan ni Pablo si Timoteo na itaguyod ang “katuwiran, makadiyos na debosyon, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan”—anim na magagandang katangian. (1 Tim. 6:11) Apat lang sa mga ito (pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan) ang binanggit bilang “mga katangian na bunga ng espiritu.” Pero siguradong kailangan din ni Timoteo na magkaroon ng iba pang katangiang binanggit: katuwiran at makadiyos na debosyon.​—Ihambing ang Colosas 3:12; 2 Pedro 1:5-7.

Kaya sa Galacia 5:22, 23, hindi binanggit ang lahat ng katangiang dapat ipakita ng isang Kristiyano. Matutulungan tayo ng espiritu ng Diyos na magkaroon ng siyam na “katangian na bunga ng espiritu.” Pero may iba pang katangian na dapat nating ipakita para sumulong tayo bilang Kristiyano at para maisuot natin ang “bagong personalidad na nilikha ayon sa kalooban ng Diyos at batay sa kung ano ang matuwid at tapat.”​—Efe. 4:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share