Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaniyang “Ipatawag ang Matatandang Lalaki”
    Ang Bantayan—1993 | Mayo 15
    • 18, 19. Anong papel ang ginagampanan ng Kristiyanong matatanda kaugnay ng Galacia 6:2, 5?

      18 Ang Kristiyanong matatanda ay kailangang balikatin ang kanilang pananagutan tungkol sa kawan ng Diyos. Sila’y kailangang maging matulungin. Halimbawa, sinabi ni Pablo: “Mga kapatid, kahit na nagkasala ang isang tao bago niya namalayan iyon, kayong may espirituwal na kuwalipikasyon sikapin ninyong muling maituwid nang may kaamuan ang gayong tao, samantalang minamataan din naman ninyo ang inyong sarili, baka kayo man ay matukso rin. Patuloy na magdalahan kayo ng pasanin ng isa’t isa, at sa gayo’y tuparin ang kautusan ng Kristo.” Sumulat din ang apostol: “Ang bawat isa ay magdadala ng kaniyang sariling pasan.”​—Galacia 6:1, 2, 5.

      19 Papaano tayo makapagdadalahan ng pasanin ng isa’t isa at gayon man ay dalhin ang ating sariling pasan? Ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga salitang Griego na isinaling “mga pasanin” at “pasan” ang nagbibigay ng kasagutan. Kung sakaling ang isang Kristiyano ay mahulog sa espirituwal na suliranin na totoong nakabibigat sa kaniya, ang matatanda at iba pang kapananampalataya ay tutulong sa kaniya, sa gayo’y tinutulungan siya na dalhin ang kaniyang “mga pasanin.” Gayunman, ang taong iyon mismo ay inaasahang magdadala ng kaniyang sariling “pasan” ng pananagutan sa Diyos.a Ang matatanda ay may kagalakang magdadala ng “mga pasanin” ng kanilang mga kapatid sa pamamagitan ng pampatibay-loob, payo buhat sa Kasulatan, at panalangin. Gayunman, ang ating personal na “pasan” ng espirituwal na pananagutan ay hindi inaalis ng matatanda.​—Roma 15:1.

  • Kaniyang “Ipatawag ang Matatandang Lalaki”
    Ang Bantayan—1993 | Mayo 15
    • a Ang A Linguistic Key to the Greek New Testament, ni Fritz Rienecker, ay nagbibigay-kahulugan sa phor·tiʹon bilang “isang pasan na inaasahang papasanin ng isa” at isinususog: “Ito’y ginamit na isang termino ng militar para sa dala-dalahan ng isang tao o isang kagamitan ng sundalo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share