Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lff aralin 60 mga aral 1-6
  • Patuloy na Patibayin ang Kaugnayan Mo kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Patuloy na Patibayin ang Kaugnayan Mo kay Jehova
  • Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAG-ARALAN
  • SUMARYO
  • TINGNAN DIN
  • Mga Kabataan—Abutin ang Kapakipakinabang na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Maglagay ng Personal na mga Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Kung Paano Aabutin ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Gamitin ang Espirituwal na mga Tunguhin Upang Luwalhatiin ang Iyong Maylalang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
lff aralin 60 mga aral 1-6
Aralin 60. Babaeng nasa balkonahe habang nagbabasa ng Bibliya. May aklat na ‘Maging Malapít kay Jehova’ sa mesa sa tabi niya.

ARALIN 60

Patuloy na Patibayin ang Kaugnayan Mo kay Jehova

Printed Edition
Printed Edition
Printed Edition

Sa pag-aaral mo sa aklat na ito, marami kang nalaman tungkol kay Jehova. At dahil sa mga natutuhan mo, minahal mo siya at baka inialay mo na ang sarili mo sa kaniya at nagpabautismo. Kung hindi pa, baka nagpaplano ka nang gawin iyan sa hinaharap. Pero pagkatapos ng bautismo mo, patuloy ka pa ring magsisikap na mapalapít kay Jehova. At ang totoo, puwede mo itong gawin habambuhay. Paano?

1. Bakit dapat mong patuloy na patibayin ang pakikipagkaibigan mo kay Jehova?

Kailangan nating gawin ang buong makakaya natin para mapatibay ang pakikipagkaibigan natin kay Jehova. Bakit? “Para hindi tayo maanod palayo kailanman” sa kaniya. (Hebreo 2:1) Ano ang makakatulong sa atin para patuloy tayong makapaglingkod nang tapat kay Jehova? Maging busy sa gawaing pangangaral at maghanap ng paraan para mas makapaglingkod pa sa Diyos natin. (Basahin ang Filipos 3:16.) Ang paglilingkod kay Jehova ang pinakamagandang magagawa natin sa buhay!​—Awit 84:10.

2. Ano pa ang dapat na patuloy mong gawin?

Kahit papatapos na ang pag-aaral mo sa aklat na ito, magpapatuloy pa rin ang buhay mo bilang isang Kristiyano. Sinasabi ng Bibliya na kailangan nating “isuot ang bagong personalidad.” (Efeso 4:​23, 24) Habang patuloy kang nag-aaral ng Salita ng Diyos at dumadalo sa mga pulong, may matututuhan ka pa ring bago tungkol kay Jehova at sa mga katangian niya. Kaya sikaping laging matularan ang mga katangian niya. At patuloy na gumawa ng mga kinakailangang pagbabago para mapasaya si Jehova.

3. Paano ka matutulungan ni Jehova?

Sinasabi ng Bibliya: “Ang Diyos ang . . . mismong tatapos sa inyong pagsasanay. Patatatagin niya kayo, palalakasin niya kayo, gagawin niya kayong matibay.” (1 Pedro 5:10) Lahat tayo ay puwedeng matuksong gumawa ng mali. Pero ibibigay ni Jehova ang kailangan natin para malabanan natin ang tukso. (Awit 139:​23, 24) Nangangako siya na bibigyan niya tayo ng pagnanais at lakas para tapat tayong makapaglingkod sa kaniya.​—Basahin ang Filipos 2:13.

PAG-ARALAN

Pag-aralan kung paano mo patuloy na mapapatibay ang kaugnayan mo kay Jehova at kung paano ka niya pagpapalain.

4. Laging makipag-usap at makinig sa best Friend mo

Naging kaibigan ka ni Jehova dahil sa pananalangin at pag-aaral mo ng Bibliya. Paano ito makakatulong para mas mapalapít ka pa sa kaniya?

Basahin ang Awit 62:8. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Para mapatibay mo ang pakikipagkaibigan kay Jehova, ano ang puwede mong pasulungin sa paraan mo ng pananalangin at sa mga sinasabi mo sa kaniya?

Basahin ang Awit 1:2 at talababa. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Para mapatibay mo ang pakikipagkaibigan kay Jehova, paano ka mas makikinabang sa pagbabasa mo ng Bibliya?

Ano ang magagawa mo para mas makinabang ka sa personal na pag-aaral ng Bibliya? Para magkaideya ka, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

VIDEO: Pasulungin ang Personal na Pag-aaral ng Bibliya (5:​22)

  • Ano ang gusto mong gayahin sa napanood mo?

  • Anong mga paksa ang gusto mong pag-aralan?

5. Magkaroon ng espirituwal na mga tunguhin

Makakatulong ang espirituwal na mga tunguhin para mas maging malapít ka kay Jehova. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

VIDEO: The Best Talaga ang Buhay Ko! (3:​31)

  • Paano natulungan si Cameron ng pagkakaroon ng espirituwal na mga tunguhin?

Hindi lahat ay kayang lumipat ng ibang lugar para mangaral. Pero puwede tayong magkaroon ng mga tunguhin na maaabot natin. Basahin ang Kawikaan 21:​5, at pag-isipan ang mga tunguhin na puwede mong abutin . . .

  • sa kongregasyon.

  • sa ministeryo.

Paano makakatulong ang prinsipyo sa tekstong ito para maabot mo ang mga tunguhin mo?

Mga puwedeng maging tunguhin

  • Pasulungin ang kalidad ng iyong panalangin.

  • Basahin ang buong Bibliya.

  • Kilalanin ang lahat sa inyong kongregasyon.

  • Magkaroon ng Bible study.

  • Mag-auxiliary pioneer o mag-regular pioneer.

  • Kung isa kang brother, abutin ang pagiging ministeryal na lingkod.

6. Puwede kang magkaroon ng masayang buhay magpakailanman!

Basahin ang Awit 22:26. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang puwede mong gawin para maging masaya ang buhay mo ngayon at sa hinaharap?

Mga tao na nasa paraisong lupa.

SUMARYO

Patuloy na patibayin ang pakikipagkaibigan mo kay Jehova at magkaroon ng espirituwal na mga tunguhin. Kung gagawin mo ito, magkakaroon ka ng masayang buhay magpakailanman!

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Bakit sigurado ka na tutulungan ka ni Jehova para mapaglingkuran mo siya nang tapat?

  • Paano mo pa mapapatibay ang pakikipagkaibigan mo kay Jehova?

  • Paano makakatulong ang espirituwal na mga tunguhin para mas mapalapít ka kay Jehova?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Ano ang mas mahalaga kay Jehova, ang minsang makagawa ka ng napakalaking sakripisyo para sa kaniya o ang makapanatili kang tapat sa kaniya araw-araw?

Maging Tapat Gaya ni Abraham (9:​20)

Kahit ang isang tapat na lingkod ni Jehova ay puwedeng mawalan ng kagalakan. Ano ang makakatulong para maibalik ito?

Panumbalikin ang Kagalakan sa Pamamagitan ng Pag-aaral at Pagbubulay-bulay (5:​25)

Paano ka magkakaroon ng espirituwal na mga tunguhin at paano mo ito maaabot?

“Gamitin ang Espirituwal na mga Tunguhin Upang Luwalhatiin ang Iyong Maylalang” (Ang Bantayan, Hulyo 15, 2004)

Bakit mahalaga na maging isang may-gulang na Kristiyano, at paano mo ito magagawa?

“Sumulong sa Pagkamaygulang Dahil ‘ang Dakilang Araw ni Jehova ay Malapit Na’” (Ang Bantayan, Mayo 15, 2009)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share