Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Armas, Baluti
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang Griegong beʹlos (suligi) ay nagmula sa salitang-ugat na balʹlo, nangangahulugang “ihagis.” Ginamit ng apostol na si Pablo ang salitang Griegong ito nang sumulat siya tungkol sa “nag-aapoy na mga suligi” na masusugpo ng isa sa pamamagitan ng malaking kalasag ng pananampalataya. (Efe 6:16) Sa mga Romano, ang mga tunod ay yari sa hungkag na mga tambo, at sa bandang ibaba ng tulis, sa ilalim nito, ay may isang sisidlang bakal na maaaring punuin ng nag-aapoy na naphtha. Pagkatapos, ipinapana ang tunod mula sa isang busog na maluwag, yamang mamamatay ang apoy nito kung pahihilagpusin ito mula sa isang busog na banát. Lalo lamang magliliyab ang suliging ito kung bubuhusan ng tubig, at mapapatay lamang ito kung tatabunan ng lupa ang mapaminsalang panudlang ito.

  • Armas, Baluti
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang “malaking kalasag” (sa Heb., tsin·nahʹ⁠) ay dinadala noon ng lubhang nasasandatahang hukbong panlupa (2Cr 14:8) at kung minsan ay ng isang tagapagdala ng kalasag. (1Sa 17:7, 41) Ito ay biluhaba o kaya ay parihaba na parang pinto. Lumilitaw na isang katulad na “malaking kalasag” ang tinutukoy sa Efeso 6:16 ng salitang Griego na thy·re·osʹ (mula sa thyʹra, nangangahulugang “pinto”). Ang tsin·nahʹ naman ay may sapat na laki upang matakpan ang buong katawan. (Aw 5:12) Kung minsan ay ginagamit ito upang bumuo ng masinsing hanay ng mga kawal sa unahan ng pagbabaka anupat mga sibat lamang nila ang nakausli. Paminsan-minsan, magkasamang binabanggit ang malaking kalasag at ang sibat upang tumukoy sa lahat ng mga sandata.​—1Cr 12:8, 34; 2Cr 11:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share