Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Tayo Magiging Malinis sa Harap ng Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 40. Lalaking naghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

      ARALIN 40

      Paano Tayo Magiging Malinis sa Harap ng Diyos?

      Isipin ang isang mapagmahal na nanay na inaasikaso ang anak niya sa pagpasok sa school. Sinigurado niyang naligo ang anak niya at malinis at maayos ang suot nitong damit. Tumutulong ito para hindi magkasakit ang anak niya. Ipinapakita nito na inaalagaan siya ng mga magulang niya. Gusto rin ng mapagmahal nating Ama, si Jehova, na maging malinis tayo​—sa pisikal at moral na paraan. Kapag malinis tayo, makikinabang tayo at mapapapurihan natin si Jehova.

      1. Paano tayo magiging malinis sa pisikal na paraan?

      Sinasabi sa atin ni Jehova: “Dapat kayong maging banal.” (1 Pedro 1:16) Para maging banal, dapat tayong maging malinis sa pisikal at moral na paraan. Magiging malinis tayo sa pisikal kapag naliligo tayo araw-araw, at kapag laging malinis at maayos ang mga damit, bahay, at sasakyan natin. Puwede rin tayong tumulong sa paglilinis ng Kingdom Hall natin. Kapag malinis tayo sa pisikal, napapapurihan natin si Jehova.​—2 Corinto 6:​3, 4.

      2. Para maging malinis, anong mga gawain ang dapat nating iwasan?

      Pinapayuhan tayo ng Bibliya na “linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu.” (2 Corinto 7:1) Kaya nagsisikap tayo na iwasan ang anumang gawain na nagpaparumi sa ating katawan at isipan. Dapat na nagpapasaya kay Jehova ang mga iniisip natin kaya nagsisikap tayong alisin ang maruruming kaisipan. (Awit 104:34) Iniiwasan din natin ang masasama at malalaswang salita.​—Basahin ang Colosas 3:8.

      Ano pa ang dapat nating gawin para maging malinis sa pisikal at moral na paraan? May ilang substansiya na nakakapagparumi ng katawan. Kaya hindi tayo gagamit ng tabako, sigarilyo, nganga, o dahon ng coca. Iiwasan din natin ang pag-abuso sa nakakaadik na droga. Kapag ginawa natin ito, magiging maganda ang kalusugan natin. Ipinapakita rin nito na nirerespeto natin ang regalong buhay. Nagsisikap din tayong maging malinis sa moral kapag iniiwasan natin ang maruruming gawain gaya ng masturbasyon at panonood ng pornograpya. (Awit 119:37; Efeso 5:5) Hindi madaling labanan ang mga gawaing ito, pero matutulungan tayo ni Jehova.​—Basahin ang Isaias 41:13.

      PAG-ARALAN

      Alamin kung paano natin mapapapurihan si Jehova kapag malinis tayo. At tingnan kung paano natin maaalis ang maruruming gawain.

      3. Napapapurihan si Jehova kapag malinis tayo sa pisikal

      Kapag nalaman natin ang mga utos ni Jehova sa sinaunang Israel, mauunawaan natin ang pananaw niya sa kalinisan. Basahin ang Exodo 19:10 at 30:17-19. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang sinasabi ng mga tekstong ito tungkol sa pananaw ni Jehova sa kalinisan?

      • Ano ang mga puwede mong gawin para lagi kang maging malinis?

      Kailangan ng panahon at pagsisikap para maging malinis sa pisikal. Pero magagawa natin ito saanman tayo nakatira, mayaman man tayo o mahirap. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Iniibig ng Diyos ang Kalinisan (4:​10)

      • Kapag maayos at malinis ang pananamit at mga gamit natin, paano ito nakakatulong sa pangangaral natin?

      4. Itigil ang mga bisyo

      Taong nagtatapon ng sigarilyo sa basurahan.

      Matutulungan tayo ni Jehova na ihinto ang mga bisyo

      Kung naninigarilyo ka o gumagamit ng droga, alam mong hindi madaling itigil ito. Ano ang makakatulong sa iyo? Pag-isipan ang masasamang epekto ng mga bisyong ito. Basahin ang Mateo 22:​37-39. Pagkatapos, talakayin ang masasamang epekto ng paninigarilyo o maling paggamit ng droga sa . . .

      • kaugnayan ng isang tao kay Jehova.

      • pamilya ng isang tao at sa iba.

      Gumawa ng plano para maitigil ang mga bisyo.a Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Magkaroon ng Pagpipigil sa Sarili (2:​47)

      Basahin ang Filipos 4:13. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano makakatulong ang regular na pananalangin, pag-aaral ng Bibliya, at pagdalo sa mga pulong para maitigil ang mga bisyo?

      5. Labanan ang maling mga kaisipan at gawain

      Basahin ang Colosas 3:5. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Para kay Jehova, bakit maruruming gawain ang pornograpya, sexting, at masturbasyon?

      • Sa tingin mo, puwede ba tayong maging malinis sa moral gaya ng inaasahan ni Jehova sa atin? Bakit?

      Tingnan kung paano lalabanan ang maling mga kaisipan. Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Patuloy na Maging Malinis (1:​51)

      Gamit ang isang ilustrasyon, ipinakita ni Jesus na dapat tayong kumilos agad para manatiling malinis sa moral. Basahin ang Mateo 5:​29, 30. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Hindi sinasabi ni Jesus na dapat nating saktan ang sarili natin, pero sinasabi niya na kailangan tayong kumilos. Ano ang dapat gawin ng isang tao para maalis ang maling mga kaisipan?b

      Kung pinaglalabanan mo ang maling mga kaisipan, pinapahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap mo. Basahin ang Awit 103:​13, 14. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Kung may bisyo ka na gusto mong alisin, paano makakatulong ang tekstong binasa para patuloy mo itong mapaglabanan?

      “Huwag Kang Susuko!”

      Madaling isipin, ‘Bumalik na naman ako sa bisyo ko, hindi ko talaga kayang huminto!’ Pag-isipan ito: Kapag nadapa ang isang mananakbo, hindi ibig sabihin nito na talo na siya o kailangan niyang magsimula ulit. Ganiyan din kapag bumalik ka sa bisyo mo, hindi ibig sabihin nito na talo ka na o hindi mo kayang mapaglabanan ang bisyo mo. Hindi rin sayang ang mga nagawa mo. Normal na mangyari iyan sa mga may bisyo. Pero huwag kang susuko! Matutulungan ka ni Jehova na maitigil ang mga bisyo mo.

      Mananakbo na tumatayo mula sa pagkakadapa.

      MAY NAGSASABI: “Hindi ko kayang ihinto ang mga bisyo ko.”

      • Anong mga teksto ang gagamitin mo para ipakita na kayang tulungan ni Jehova ang isang tao na ihinto ang bisyo niya?

      SUMARYO

      Mapapasaya natin si Jehova kung magiging malinis tayo sa pisikal, mental, at moral na paraan.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Bakit mahalagang maging malinis?

      • Ano ang mga puwede mong gawin para maging malinis sa pisikal?

      • Ano ang mga puwede mong gawin para maging malinis sa mental at moral na paraan?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Ano ang puwede mong gawin para maging malinis sa pisikal kahit wala kang gaanong pera?

      Kalusugan at Kalinisan​—Paghuhugas ng Kamay (3:​01)

      Alamin ang mga puwedeng gawin para maihinto ang paninigarilyo.

      “Kung Paano Maihihinto ang Paninigarilyo” (Gumising!, Mayo 2010)

      Tingnan ang masamang epekto ng pornograpya.

      “Pornograpya​—Di-nakapipinsala o Nakalalason?” (Ang Bantayan, Agosto 1, 2013)

      Alamin kung paano naihinto ng isang lalaki ang panonood ng pornograpya.

      “Ilang Ulit Akong Nabigo Bago Nagtagumpay” (Ang Bantayan Blg. 4 2016)

      a Makikita sa “Kung Paano Maihihinto ang Paninigarilyo” na nasa seksiyong Tingnan Din ng araling ito ang mga puwedeng gawin para maitigil ang paninigarilyo.

      b Para maitigil ang masturbasyon, tingnan ang “Paano Ko Madadaig ang Masturbasyon?” sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1, kabanata 25.

  • Makakayanan Mo ang Pag-uusig
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 6. Tutulungan ka ni Jehova na magtiis

      Kahit pinag-uusig, patuloy pa ring naglilingkod nang tapat kay Jehova ang mga Saksi, anuman ang edad nila at saanman sila nakatira. Ano ang nakatulong sa kanila? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Papalakasin Ako ng Diyos na Jehova (3:​40)

      • Sa video, ano ang nakatulong sa mga Saksi para makapagtiis?

      Basahin ang Roma 8:​35, 37-​39 at Filipos 4:13. Sa bawat pagbasa ng teksto, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano sinisigurado ng tekstong ito na makakayanan mo ang mga pag-uusig?

      Basahin ang Mateo 5:​10-​12. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit puwede kang maging masaya kahit may pag-uusig?

      Mga Saksi ni Jehova na nagtiis ng pag-uusig at pagkabilanggo dahil sa pananampalataya nila.

      Tapat na naglilingkod ang milyon-milyong mananamba ni Jehova kahit may pag-uusig. At magagawa mo rin iyan!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share