KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | 2 TESALONICA 1-3
“Maisisiwalat ang Napakasamang Tao”
Ano ang tinutukoy ni Pablo sa mga talatang ito?
“Pamigil” (tal. 6)—Malamang na ang mga apostol
“Maisiwalat” (tal. 6)—Pagkamatay ng mga apostol, nagsimulang lumaganap ang pagkukunwari at maling turo ng mga apostatang Kristiyano
“Palihim ang kasamaan” (tal. 7)—Noong panahon ni Pablo, hindi pa kilala kung sino ang “napakasamang tao”
“Ang napakasamang tao” (tal. 8)—Sa ngayon, tumutukoy ito sa klero ng Sangkakristiyanuhan
“Pupuksain ng Panginoong Jesus [ang napakasamang tao] kapag nahayag na ang kaniyang presensiya” (tal. 8)—Ipapakita ni Jesus na namamahala na siya bilang Hari sa langit kapag inilapat niya ang hatol ni Jehova sa sistema ni Satanas, kasama na ang “napakasamang tao”
Paano ka napatibay ng mga talatang ito na maging masigasig at apurahan sa pangangaral?