Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1999 | Hulyo 15
    • “Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos, mga kapatid, . . . na lumayo sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan at hindi alinsunod sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin. Sa ganang inyo, mga kapatid, huwag kayong manghimagod sa paggawa ng tama. Subalit kung ang sinuman ay hindi masunurin sa aming salita sa pamamagitan ng liham na ito, panatilihin ninyong namarkahan ang isang ito, tigilan ninyo ang pakikisama sa kaniya, upang siya ay mapahiya. Gayunma’y huwag ninyo siyang ituring na isang kaaway, kundi patuloy na paalalahanan siya bilang isang kapatid.”​—2 Tesalonica 3:6, 13-15.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1999 | Hulyo 15
    • Naiiba sa tatlong situwasyong binanggit sa itaas ang may kinalaman sa mga “walang-kaayusan” na gaya ng tinalakay sa 2 Tesalonica. Isinulat ni Pablo na ang mga ito ay mga ‘kapatid’ pa rin naman, na dapat paalalahanan at pakitunguhan bilang gayon. Samakatuwid, ang problema sa mga kapatid na “walang-kaayusan” ay hindi isang bagay na pampersonal lamang sa pagitan ng mga Kristiyano ni isang bagay na may sapat na kalubhaan anupat kailangang magtiwalag ang matatanda sa kongregasyon, na gaya ng ginawa ni Pablo may kaugnayan sa imoral na situwasyon sa Corinto. Ang mga “walang-kaayusan” ay hindi nagkasala nang malubha, hindi gaya ng lalaki na natiwalag sa Corinto.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1999 | Hulyo 15
    • Ipinaalam din niya sa kongregasyon na angkop para sa kanila bilang indibiduwal na mga Kristiyano na ‘markahan’ ang gumagawi ng walang-kaayusan. Ipinahiwatig nito na ang mga indibiduwal ay dapat magbigay-pansin sa mga taong ang gawain ay katugma ng landasin na doo’y hayagang binigyan ng babala ang kongregasyon. Ipinayo ni Pablo na sila’y “lumayo sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan.” Hindi ito nangangahulugan na lubusan nang lalayuan ang gayong tao, sapagkat kailangan nilang “patuloy na paalalahanan siya bilang isang kapatid.” Sila’y patuloy pa ring makikipag-ugnayan sa kaniya bilang Kristiyano sa mga pulong at marahil sa ministeryo. Maaari silang umasa na tutugon ang kanilang kapatid sa paalaala at tatalikuran ang kaniyang nakababahalang landasin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share