Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pabula
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • PABULA

      Kuwentong di-totoo, kathang-isip, mito, gawa-gawa, kabulaanan; mula sa Griegong myʹthos. Masusumpungan ang myʹthos sa 1 Timoteo 1:4 at 4:7; 2 Timoteo 4:4; Tito 1:14; 2 Pedro 1:16.

      Ang myʹthos ay kabaligtaran ng a·leʹthei·a, “katotohanan,” na nagpapahiwatig ng hayag at tunay na diwa ng isang bagay. Sa Galacia 2:5, ipinakikita ng “katotohanan ng mabuting balita” na naiiba ang tunay na turo ng ebanghelyo sa baluktot na mga bersiyon nito. Binabalaan ng mga apostol ang mga Kristiyano hinggil sa panganib na maitalikod sila mula sa katotohanan tungo sa mga kuwentong di-totoo, yamang ang mga ito ay walang totoong saligan kundi mga imahinasyon lamang ng mga tao. Ang Judaismo ay punô ng gayong mga kuwentong di-totoo, anupat ang tinatawag na bibigang kautusan, na nang maglaon ay inilakip sa Talmud, ay binubuo ng mga tradisyon ng matatanda. Ang Judaismo, na pangunahing kalaban ng Kristiyanismo noong unang siglo, ay lubhang naimpluwensiyahan ng mga pilosopiya at mga turong pagano.

  • Pabula
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Dapat Tanggihan ng mga Kristiyano ang mga Pabula. Sa 1 Timoteo 1:4, tinagubilinan ni Pablo ang mga Kristiyano na huwag magbigay-pansin sa mga kuwentong di-totoo. Dahil sa mga ito ay maaaring masangkot ang mga Kristiyano sa pagsasaliksik na hindi naman talaga kapaki-pakinabang at maaaring ilayo ng mga ito ang kanilang isip mula sa katotohanan. Kabilang sa mga kuwentong di-totoo yaong mga ikinukuwento ng matatandang babae na ang buhay ay ginugugol sa makasanlibutang mga gawain. Nilalabag nila ang banal at matuwid na mga pamantayan ng Diyos. (1Ti 4:6, 7; Tit 1:14) Sa 2 Pedro 1:16, tinukoy ng apostol na si Pedro ang mga kuwentong di-totoo (na hindi lamang basta kathang-isip kundi ginawa rin nang may katusuhan upang ilihis ang isang Kristiyano) at ipinakita niya ang kaibahan ng mga iyon sa tunay at totoong ulat ng pagbabagong anyo, na kaniya mismong nasaksihan. (Mar 9:2) Sa 2 Timoteo 4:3, 4 naman, inihula ni Pablo na sa hinaharap, ang mga tao ay kusang-loob na babaling sa mga kuwentong di-totoo at tatalikod sa katotohanan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share