Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 7/1 p. 29
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ministeryal na Lingkod—Pagpapala sa Bayan ni Jehova
    Gumising!—1986
  • Mga Ministeryal na Lingkod na Mahalaga ang Paglilingkod
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Mga Ministeryal na Lingkod—Manatili sa Mainam na Katayuan!
    Gumising!—1986
  • Mga Brother—Sinisikap Ba Ninyong Maging Ministeryal na Lingkod?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 7/1 p. 29

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Mayroon bang pinakamababang edad para ang isang lalaking Kristiyano ay mairekomenda bilang isang ministeryal na lingkod sa kongregasyon?

Wala, ang Bibliya ay hindi nagtatakda ng pinakamababang edad.

Sa sinaunang Israel, ang Diyos ay hindi nagbigay ng espesipikong edad sa ilang mga kaso. Ang mga lalaking nagpapalista para sa paglilingkod sa hukbo ay kinakailangang maging 20 taóng gulang; ang mga batang lalaki ay hindi ipinadadala sa digmaan, gaya ng nagaganap sa mga lugar na iyon. Ang edad ay isa ring batayan para sa mga Levita. Ang mga Kohatita na naglilingkod sa tabernakulo ay kailangang edad 30 hanggang 50. Bakit? Ang ganitong takdang edad ay binanggit may kaugnayan sa “gawang paglilingkod at sa gawang pagdadala ng pasanin sa tabernakulo ng kapisanan.” (Bilang 4:3, 47) Waring ang mga Levita ay maaaring magsimula ng paggawa ng magaang-gaang na mga gawain sa edad na 25, subalit sila’y kailangang maging 30 anyos bago makagawa ng mabigat-bigat na mga gawain at ng lalong responsableng pribilehiyo ng paglalansag, paghahakot, at pagbubuo ng tabernakulo. (Bilang 8:24-26) Ang gayong mabigat na gawain ay hindi naman kinailangan nang bandang huli sa templo, kaya’t ang mga Levita noon ay nagsimulang maglingkod sa edad na 20.​—1 Cronica 23:24.

Subalit nang hindi na gamitin ni Jehova ang likas na Israel at kaniyang sinimulang gamitin ang espirituwal na Israel, siya ba’y nagtakda ng pinakamababang edad para sa mga ministeryal na lingkod (mga diakono) sa kongregasyong Kristiyano?

Baka isipin ninuman na gayon nga, batay sa rekord noong mga huling siglo. Sa Iglesiya Katolika Romana, ang isang diakono ay “isang ordenadong ministro, ang kasunod na pinakamababa sa ranggo ng pari, sa sagradong pagkatatag ng hierarkiya ng mga orden sa Iglesiya.” Ang Antiquities of the Christian Church ni Bingham ay may ganitong obserbasyon: “Ang mga obispo at mga presbitero [matatanda] . . . ay hindi karaniwang maoordenahan bago umedad ng treinta; subalit ang mga diakono ay pinapayagan na maordenahan sa edad na beinte-singko, at hindi bago magkaedad ng ganito. Ito ang termino na itinakda kapuwa ng batas ng pamahalaan at ng batas ng simbahan . . . Bihira tayong makakita ng kaso ng sinuman na inordenahan bago sumapit sa edad na beinte-singko, sa buong kasaysayan ng Iglesiya.”

Ngunit, ano nga ba ang mga kuwalipikasyon na makikita sa Bibliya? Ang tanging ibinibigay ay yaong mga binanggit sa 1 Timoteo 3:8-10, 12, 13: “Gayundin naman na ang mga ministeryal na lingkod ay dapat na seryoso, hindi dalawang-dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi sakim sa mahalay na pakinabang, na iniingatan ang banal na lihim ng pananampalataya taglay ang malinis na budhi. At, ang mga ito’y subukin muna kung karapatdapat, saka sila hayaang maglingkod bilang mga ministro, kung walang kapintasan. Ang mga ministeryal na lingkod ay mag-asawa ng tig-iisa lamang babae, namamahalang mainam sa mga anak at sa kanilang sariling sambahayan. Sapagkat ang mga lalaking naglilingkod na mainam ay nagtatamo sa kanilang sarili ng mainam na katayuan at malaking kalayaan ng pagsasalita sa pananampalataya tungkol kay Kristo Jesus.”

Dito’y makikita natin na walang itinakdang pinakamababang edad para sa paghirang sa isang ministeryal na lingkod. Kaya’t pagka nagpulong ang matatanda upang talakayin ang mga kuwalipikasyon ng mga lalaki sa kongregasyon, kanilang maisasaisip na walang batayan sa Bibliya ang paghiling na ang isang lalaking Kristiyano ay kailangang umedad ng 20, 25, o 30 anyos bago siya mairekomenda at makapaglingkod. Sa Bibliya yaong mga nasa ganitong katungkulan ay tinutukoy na “mga lalaking naglilingkod,” kaya’t malayong asahan natin na sila’y nasa edad ng pasimula o kalagitnaang mga taon ng pagka-tinedyer. Bilang pagpapatunay nito, sinasabi ng Bibliya na ang gayong mga ministeryal na lingkod ay maaaring may-asawa at may mga anak pa nga.

Isa pa, ang mga lalaking rekomendado bilang mga ministeryal na lingkod ay dapat na “subukin [muna] kung karapatdapat,” upang mapatunayan na karapatdapat bigyan ng pananagutan. Hindi naman ibig sabihin na sila’y maglilingkod sa loob ng isang takdang panahon ng pagsubok. Bagkus, ang kailangan ay magpakita sila ng pagkamaygulang Kristiyano sa loob ng isang rasonableng yugto ng panahon (nabautismuhan ng di-kukulangin isang taon), at mga lalaking handang mag-asikaso at nakapag-aasikaso ng mga bagay na iniatas sa kanila. Kung ang isang binatang “seryoso” ay makapagpapakita ng mga katangiang ito, at siya’y makapagpakumbaba at nakatutugon sa mga iba pang kuwalipikasyon, siya’y maaaring mairekomenda ng mga matatanda upang mahirang sa tungkulin kahit na wala pa siyang 20 anyos. Ang ibang mga lalaki ay baka mas may edad bago sila’y malinaw na makitaan na kanilang naaabot ang mga kahilingan para sa ‘mga naglilingkod na mainam, at nagtatamo para sa kanilang sarili ng mainam na katayuan at malaking kalayaan ng pagsasalita.’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share