Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pagkakahayag, Paghahayag”
  • Pagkakahayag, Paghahayag

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkakahayag, Paghahayag
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Tito—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Pagkanaririto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pagkakahayag, Paghahayag”

PAGKAKAHAYAG, PAGHAHAYAG

[sa Ingles, manifestation].

Isang pagbubunyag, o nakikitang katibayan, isang pagtatanghal ng awtoridad o kapangyarihan. Ang terminong Griego na e·pi·phaʹnei·a, isinalin bilang “pagkakahayag,” ay ginagamit sa Kasulatan upang tumukoy sa mga araw ni Jesu-Kristo sa lupa at lalo na may kinalaman sa iba’t ibang pangyayari sa panahon ng kaniyang pagkanaririto taglay ang maharlikang kapangyarihan.

Nahayag sa Laman ang Anak ng Diyos. Isinulat ng apostol na si Pablo ang mga salita sa 2 Timoteo 1:9-11 may kinalaman sa “pagkakahayag sa ating Tagapagligtas, si Kristo Jesus,” sa laman. Ang pagsusugo sa Anak ng Diyos mula sa langit ay ukol sa pagbabangong-puri ng soberanya ni Jehova. Hahantong din ito sa ‘pagpawi sa kamatayan’ na minana kay Adan at isisiwalat nito ang pag-asa ng ilang tao na mabuhay sa langit taglay ang kawalang-kasiraan. Bilang bahagi ng pasulong na katuparan ng “sagradong lihim ng makadiyos na debosyong ito,” si Jesus ay “nahayag sa laman.” (1Ti 3:16) Ang pagsusugong ito ng Diyos sa kaniyang Anak ay tinukoy rin ni Pablo bilang isang ‘paghahayag’ ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos “na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng uri ng tao . . . , na tinuturuan tayo na itakwil ang pagka-di-makadiyos at makasanlibutang mga pagnanasa at mamuhay na taglay ang katinuan ng pag-iisip at katuwiran at makadiyos na debosyon sa gitna ng kasalukuyang sistemang ito ng mga bagay, habang hinihintay natin ang maligayang pag-asa at maluwalhating pagkakahayag ng dakilang Diyos at ng Tagapagligtas natin, si Kristo Jesus.” (Tit 2:11-13) Ang pagkakahayag ni Kristo taglay ang kaluwalhatian, kapag naisakatuparan na, ay maghahayag din sa kaluwalhatian ng Diyos, na nagsugo sa kaniya.

Nahayag si Kristo sa Makalangit na Kaluwalhatian. Sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo, itutuon niya ang kaniyang pansin sa kaniyang espirituwal na mga kapatid na natutulog sa kamatayan. Ang mga ito ang tinutukoy ni Pablo na ‘umibig sa pagkakahayag ni Kristo’ at tatanggap ng ‘korona ng katuwiran bilang gantimpala,’ anupat kabilang ang apostol sa mga ito. (2Ti 4:8) Kapag ang Panginoon ay ‘bumaba mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel at may trumpeta ng Diyos,’ ang mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon, at tatanggapin sila ni Kristo sa kaniyang sarili. Sa gayon, sa kamangha-manghang paraan ay mahahayag siya sa kanila taglay ang kaniyang kaluwalhatian. Pagkatapos ay ihahayag naman niya ang kaniyang pagkanaririto sa mga kapatid niyang naririto pa sa lupa, at tatanggapin niya sila sa kaniyang sarili kapag sila’y namatay na.​—1Te 4:15, 16; Ju 14:3; Apo 14:13.

Bilang Hari at Hukom. Noong si Kristo ay nasa harap ni Poncio Pilato, sinabi niya na ang kaniyang Kaharian ay hindi bahagi ng sanlibutang ito, bagaman hindi niya ikinaila na siya ay isang hari. (Ju 18:36, 37) Hindi niya inihayag noon ang kaniyang sarili bilang isang makapangyarihang tagapamahala, sapagkat hindi pa dumarating ang panahon upang hawakan niya ang awtoridad ng Kaharian. Gayunpaman, darating ang panahon kung kailan malinaw na makikilala ang “pagkakahayag ng ating Panginoong Jesu-Kristo,” kapag gumamit na siya ng awtoridad bilang ang “maligaya at tanging Makapangyarihang Tagapamahala” at “Hari niyaong mga namamahala bilang mga hari at Panginoon niyaong mga namamahala bilang mga panginoon.”​—1Ti 6:13-16; Dan 2:44; 7:13, 14.

Dahil sa dumarating na Kaharian at sa pagkakahayag ni Kristo, sinabi ni Pablo kay Timoteo: “May-kataimtiman kitang inuutusan sa harap ng Diyos at ni Kristo Jesus, na itinalagang humatol sa mga buháy at sa mga patay, at sa pamamagitan ng kaniyang pagkakahayag at ng kaniyang kaharian, ipangaral mo ang salita.” (2Ti 4:1, 2) Sa gayo’y tinukoy ng apostol ang panahon kung kailan malinaw na mahahayag ang maluwalhating posisyon ni Kristo sa langit, na sa panahong iyon ay pasasapitin niya sa lupa ang mga kahatulan ng Diyos.

Kapag pinuksa ang “taong tampalasan.” Nang sumulat si Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica “may kaugnayan sa pagkanaririto ng ating Panginoong Jesu-Kristo,” hinimok niya sila na huwag matinag mula sa kanilang katinuan ni mabagabag ng anumang mensahe “na wari bang ang araw ni Jehova ay narito na.” Ang makasagisag na “taong tampalasan,” na kumikilos na sa loob ng maraming siglo bilang pagsalansang sa Diyos at kay Kristo, ay papawiin “sa pamamagitan ng pagkakahayag ng kaniyang pagkanaririto.” Makikilala niyaong “isa na tampalasan” ang pagkanaririto ni Kristo, hindi dahil sa pananampalataya, gaya ng mga Kristiyano, na umibig sa kaniyang pagkakahayag, kundi dahil sa kapangyarihan ni Jesus na mahahayag kapag pinuksa niya ang mga kabilang sa makasagisag na “taong” iyon.​—2Te 2:1-8; tingnan ang TAONG TAMPALASAN.

Paghahayag ng Espiritu at ng Katotohanan. Nang maibuhos ang banal na espiritu sa mga alagad ni Kristo, ang di-nakikitang pagkilos nito sa mga alagad na iyon ay ‘nahayag’ sa pamamagitan ng nakikitang mga katibayan. Ang ilan sa mga ito ay: ang kakayahang magsalita ng mga wikang banyaga, mga kaloob na pagpapagaling, at kaunawaan sa kinasihang mga pananalita. (1Co 12:7-10) May binanggit din ang apostol na si Pablo na “paghahayag ng katotohanan” sa iba sa pamamagitan ng mabuting paggawi at pangangaral ng mga Kristiyano.​—2Co 4:2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share