-
Ipagpatuloy Mo ang Pag-aaral ng BibliyaMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
5. Magpatuloy kahit may tumututol
Baka may mga tumututol sa pag-aaral mo ng Bibliya. Tingnan ang karanasan ni Francesco. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Ano ang naging reaksiyon ng mga kaibigan at kapamilya ni Francesco nang mag-aral siya ng Bibliya?
Ano ang naging resulta nang hindi siya huminto sa pag-aaral?
Basahin ang 2 Timoteo 2:24, 25. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Ano ang naging reaksiyon ng mga kapamilya at kaibigan mo nang malaman nila na nag-aaral ka ng Bibliya?
Ayon sa teksto, ano ang dapat na maging reaksiyon mo kapag may hindi natutuwa sa pag-aaral mo ng Bibliya? Bakit?
-
-
Paano Mo Ipapangaral ang Mabuting Balita?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
Kapag sinasabi mo sa iba ang mabuting balita, huwag mo lang isipin kung ano ang sasabihin mo, isipin mo rin kung paano mo iyon sasabihin. Basahin ang 2 Timoteo 2:24 at 1 Pedro 3:15. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Paano mo magagamit ang mga tekstong ito kapag nangangaral ka?
Baka hindi interesado sa mga sinasabi mo ang mga kapamilya at kaibigan mo. Ano ang puwede mong gawin? At ano ang hindi mo dapat gawin?
Bakit mas magandang gumamit ng pinag-isipang tanong kaysa sa basta ipilit sa kanila ang mga paniniwala mo?
-