-
Mga Nanay—Matuto sa Halimbawa ni EuniceAng Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Abril
-
-
TURUAN ANG MGA ANAK MO SA GAWA
12. Ayon sa 2 Timoteo 1:5, ano ang epekto kay Timoteo ng halimbawa ni Eunice?
12 Basahin ang 2 Timoteo 1:5. Magandang halimbawa si Eunice kay Timoteo. Malamang na itinuro niya kay Timoteo na ang tunay na pananampalataya ay makikita sa gawa. (Sant. 2:26) Tiyak na nakita ni Timoteo sa mga ginagawa ng nanay niya na mahal na mahal niya si Jehova. Tiyak na nakita rin ni Timoteo na masaya ang nanay niya sa paglilingkod kay Jehova. Ano ang epekto ng halimbawa ni Eunice kay Timoteo? Sinabi ni apostol Pablo na nagkaroon din ng matibay na pananampalataya si Timoteo gaya ng nanay niya. Hindi basta nagkaroon ng pananampalataya si Timoteo. Nakita niya ang halimbawa ng nanay niya at tinularan iyon. Naabot din ng maraming nanay sa ngayon ang puso ng mga kapamilya nila “nang walang salita.” (1 Ped. 3:1, 2) Magagawa mo rin iyan. Paano?
13. Bakit dapat na maging priyoridad ng isang nanay ang kaugnayan niya kay Jehova?
13 Gawing priyoridad ang kaugnayan mo kay Jehova. (Deut. 6:5, 6) Gaya ng maraming nanay, marami ka ring isinasakripisyo. Baka kasama riyan ang panahon, pera, tulog, at iba pang bagay para mailaan ang pangangailangan ng mga anak mo. Pero hindi iyon dahilan para mapabayaan mo ang kaugnayan mo kay Jehova. Laging maglaan ng panahon sa panalangin, personal na pag-aaral ng Bibliya, at pagdalo sa mga pulong. Kung gagawin mo iyan, mas mapapalapit ka kay Jehova at magiging mabuting halimbawa ka sa pamilya mo at sa iba.
-
-
Mga Nanay—Matuto sa Halimbawa ni EuniceAng Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Abril
-
-
16. Ano ang puwedeng maging epekto sa iba ng halimbawa ng isang nanay?
16 Mga nanay, tandaan na may epekto sa iba ang halimbawa ninyo. Paano? Tingnan ang naging epekto ng halimbawa ni Eunice kay apostol Pablo. Isinulat niya na ang pananampalataya ni Timoteo na walang halong pagkukunwari ay “unang nakita sa [kaniyang] inang si Eunice.” (2 Tim. 1:5) Kailan unang nakita ni Pablo ang pananampalataya ni Eunice? Malamang na noong unang paglalakbay niya bilang misyonero nang makilala niya sina Loida at Eunice sa Listra, at malamang na tinulungan niya sila na maging Kristiyano. (Gawa 14:4-18) Isipin ito: Nang sumulat si Pablo kay Timoteo—mga 15 taon na ang nakararaan—naalala pa rin ni Pablo ang pananampalataya ni Eunice at ginamit siya bilang halimbawa na karapat-dapat tularan! Tiyak na napatibay sa halimbawa ni Eunice ang apostol at ang iba pang Kristiyano noong unang siglo. Kung hindi Saksi ang asawa mo o mag-isa kang nagpapalaki ng mga anak mo, tiyak na maraming napapatibay sa pananampalataya at halimbawa mo.
-